UMANI ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang latest YouTube vlog ni Vicky Belo kasama ang dalawa niyang empleyado.
Partikular na pinagdebatihan ng mga nakapanood sa naturang vlog ang pag-uutos ni Vicki sa kanyang personal assistant o P.A. na lumipad patungong Paris, France para lang bumili ng kanyang favorite cake.
Bukod dito, sinabi rin ni Hayden Kho na nagpapabili rin siya sa kanilang staff sa bahay ng Jean-Paul Hevin cake sa Paris bilang peace offering kapag nag-aaway sila ng kanyang wifey.
Pero nilinaw naman ng celebrity couple na “travel points” (libreng airfare) ang ginagamit nila kapag pinapupunta ang kanilang P.A. sa ibang bansa para bumili ng mga bagay o pagkain na kine-crave nila.
Baka Bet Mo: Glam-up transformation ni Vicki Belo patok sa netizens: ‘Love it!’
Dahil nga rito, may mga bumatikos sa cosmetic surgeon at binato ng kung anu-anong kanegahan. May mga netizens na seryoso sa kanilang komento pero meron namang mga nag-joke lang.
Ilang netizens ang nagsabing “apakayabang” daw ni Vicki at may nag-comment namang “injustice” ang pagbabandera ni Vicki sa publiko ng kanyang kayamanan.
Anila, hindi na raw dapat ipagyabang ng celebrity cosmetic surgeon ang kanyang yaman dahil alam na ito ng madlang pipol kaya raw matatawag na “insenstive” ang naturang vlog.
Isang netizen ang nagsabing parang bumili lang daw sa Quiapo ng cake si Vicki na pabiro namang nireplayan ng asawa ni Hayden na hindi siya maka-relate dito dahil, “Never akong pumupunta ng Quiapo.”
Narito ang ilan pang reaksyon ng mga nakapanood sa vlog nina Vicki at Hayden at sa official Facebook page ng BANDERA.
“Woww..iba tlga pgmayamn sna aq dn nd mn kyamn ung sapt dn para nd n mahirapn pamilya ko.”
Baka Bet Mo: Belo may 2 bahay sa isang exclusive village, bakit nga ba nagtatrabaho pa kahit buhay-reyna na?
“So anong nang yari sa cake pag dating nang Pilipinas?”
“Dra. pag tinamad si millet pwede po ninyo ako utusan libre lang po… basta sagot niyo visa at pamasahe ko.”
“Ostentatious display of wealth for the haves to flaunt to the have nots.”
“Good for her… so many died for hunger.”
“Ang sakit naman masampal ng kahirapan.”
“At least don’t tease the MASANG PEOPLE who struggle so much just to bring food on the table.”
“Kung afford naman nila at hindi ninanakaw ang pera why not!”
“Pera niya yan pinag hirapan niya yan.. ano gusto niyo maambunan ng yaman niya.. mag banat kayo ng buto at wag kayo mamburaot at umasa sa bigay.
“Hayaan mo sila how they want to spend their money kasi pera naman nila yun. Hard earned money.”
“Nakit ang bitter??? Pera nyo??”
“Di naman nya ninakaw yung pera. These people just can’t be happy for others.”