Aiko sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

Aiko nag-react sa rebelasyon ni Eric Quizon: Akala ko hindi niya ako type!

Eric Quizon at Aiko Melendez

BALIK-ABS-CBN na si Konsehala Aiko Melendez bilang isa sa cast ng bagong teleseryeng “Pamilya Sagrado” na pinangungunahan ni Piolo Pascual mula sa Dreamscape Entertainment.

Nag-post ang aktres-politiko na may storycon siya ng “Pamilya Sagrado” kalakip ang larawan ng buong cast sa kanyang social media account at maraming netizens ang nag-comment ng, “Wow, another EMILIA na naman ito. EMILIA is back!”

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nalilimutan ng mga nakasubaybay ng teleseryeng “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador ang karakter ni Aiko bilang si Emilia Ardiente-Torillo, isang corrupt na politician at nagpapaligpit ng mga taong ayaw sa kanya.

Tsinat namin si Aiko kung powerful ba ulit ang karakter niya sa “Pamilya Sagrado.”

“Ha-hahahaha! Oo nga, Ate. Ang puwede ko pa lang sabihin na role ko is lawyer ako. Maganda, grabe ‘yung story, Ate, and ang laki ng cast also.

Baka Bet Mo: Piolo nag-yes agad nang ialok ang ‘Pamilya Sagrado’: It’s very complex

“Marami kasing plot twist ‘yung story, Ate, lawyer ako ng family nina Piolo and Tito Pip (Tirso Cruz III) who came from a powerful family,” sagot ng aktres nang i-chat namin sa Facebook.


Hindi sinabi ni Aiko kung mabait o hindi ang karakter niya bilang powerful lawyer, “Nakaka-pressure kasi ang laki ng soap, kaya ako, mag-watch ako ng mga (shows at movies) sa Netflix and mag-character build-up na ako.”

Sa Baguio City at La Union daw ang shooting ng “Pamilya Sagrado” at lock-in sila every 20 days kaya naitanong kung paano ang pagiging public servant niya sa ikalimang distrito ng Quezon City.

Baka Bet Mo: Dolphy tuloy ang pagsusustento sa mga anak kahit ilang taon nang patay

“Inayos ni Mader Ogie (Diaz) na ‘di tatamaan ang session days ko and ‘yung barangay ko, inayos ko na rin lahat,” paliwang ng konsehala.

Anyway, hiningan namin ng reaksyon si Aiko tungkol sa pag-amin ni Direk Eric Quizon na hindi nito itinuloy ang panliligaw sa kanya dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad at baka isiping pidopilya siya.

Sina Eric at Aiko ang isa sa sikat na love team noong dekada 80’ hanggang 90’

“Ha-hahaha! Akala ko hindi niya ako type! Ha-hahaha! Mas importante na magkaibigan kami and ninong siya ni Andre (panganay ng aktres),” sagot ng aktres.

Pero siyempre hindi naman naitago ni Aiko na natuwa siya sa sinabi ni Eric tungkol sa kanya noon.

As of now ay kulay pula ang puso ni konsehala Aiko dahil kay Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na ilang taon na rin niyang karelasyon.

Tinanong namin kung may plano na ba silang i-level up ang kanilang relasyon, “Dapat si Cong. Jay ang tinatanong n’yo, ate,” saad ni aktres.

Oo nga naman.

Read more...