JANINE GUTIERREZ takot magsuot ng two-piece
Gandang-ganda kami kay Janine Gutierrez na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Napaka-sweet nitong magsalita at matalino pa.
Ilulunsad na siya together with Elmo Magalona sa Villa Quintana (bagong twists and turns kaya hindi daw ito remake) sa GMA 7 afternoon soap na mapapanood na sa Lunes.
Talagang bigla naming naalala si Donna Cruz (dating bida sa nasabing soap) noong kapanahunan niya. Sa kilos, sa salita, sa tingin at pagiging malambing parang mas siya pa ang anak ni Donna. Ha-hahahaha!
Anyway, sana nga ay mabigyan ng pagkakataon ang anak nina Balot at Monching na matanggap at magtagumpay bilang bida dahil kumpletos rekados ang dalaga.
Naniniwala din si direk Gina Alajar na marami siyang madidiskubre sa apo nina Boyet de leon, Pilita Corrales at Nora Aunor, mga icons sa showbiz at may lahi rin nina Eddie Gutierrez at Jackilou Blanco.
“She’s a very fine and talented young lady. Gusto ko siyang magtagumpay at bagay sa kanya ang project,” sey pa ni direk Gina.
Bonggang support din ang pangakong hatid nina Raymart Santiago, Sunshine Dizon, Tanya Garcia at Paolo Contis na gaganap na mga young parents ng mga ilulunsad na bagong tandem ng GMA 7.
Samantala, hindi pa rin nagbabago ang isip ni Janine tungkol sa pagsali sa mga beauty pageant. Ayaw pa rin nitong mag-join sa Bb. Pilipinas o sa Miss World Philippines dahil hindi pa siya handang mag-two piece.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.