TAMA nga ang sinabi ni Boss Toyo, ang digital creator ng “Pinoy Pawnstars” tungkol sa ibinebentang sasakyan ni Daniel Padilla.
Nagkatotoo ang kanyang komento na kapag ipinost ng F2A Cars dealer na si Franz Akeem Aldover sa kanyang social media account ang for sale na Chevrolet Corvette Stingray C7 sports car ni Daniel ay tiyak na may kukuha agad dito.
Matatandaang inalok ng F2A dealer ang sports car ni Daniel kay Boss Toyo sa huling presyong P6 million pero hindi ito kinagat ng huli at hanggang P5.8 million lang ang tawad niya kaya hindi sila nagkasarahan.
Nagbilin pa ang vlogger sa dealer na kung sakaling pumayag na ito sa tawad niya ay bumalik lang sila sa shop na sa kabilang banda ay naisip ding baka may bumili na nito kapag nailathala na.
Baka Bet Mo: Alodia sa pagiging game streamer: May 2 reasons siguro kung bakit ka pinanonood
Alas-otso kagabi ay nag-post ang F2A dealer na si Franz ng larawang kasama ang nakabili ng sasakyan ni Daniel. Ang caption, “Guys! May nanalo na! Tinapos na ang laban sa Sportscar ni Daniel!
“Nag iisang Chevrolet Corvette ni Daniel padilla SOLD & DELIVERED to Angeles city Pampanga!”
Ang nakabili ay isang kilalang online gaming streamer na nagngangalang Tito Paldo ng Perks Gaming. Sabi ni Franz, “Thank you brother PERKZ GAMING for trusting.
“F2A CARS. Nag iisa lang yan bro! Kaya sana ingatan and alagaan mo. Congratulations brother on your new sportscar. Enjoy & Drive safe.”
At kaya pala mabilis din itong naibenta ay ipina-repost ito ng dealer sa mga ahente at magbibigay siya ng pabuya.
“Agents! You know what time it is? 20k kaya ipa-raffle naten para sa lahat ng masisipag na nag repost ng corvette? Let’s go team F2A all the way up!”
Baka Bet Mo: Kilalang aktor maraming kalokohan noong kabataan, pero di nagdroga; totoong malapit sa mga bading
Makikita naman sa Perkz Gaming FB page ni Tito Paldo na nag-post siya sa katabi ng Corvette na nabili niya, “Nakapag papicture din sa Corvette ni DJ. F2A CARS. Pinoy Pawnstars
#F2ACARS #pinoypawnstars #BOSSTOYO #PerkzGaming.”
Isa pang larawan ang pinost ni Tito Paldo na naka-park sa tapat ng bahay niya ang sports car habang nakatingala siya sa bahay niya. Aniya, “Malayo na pero malayo pa. Thank you po.”
Pawang “congratulations” naman ang nabasa naming komento sa pagkakabili ng Perkz Gaming ng nasabing sports car ni Daniel Padilla.