Bianca Manalo nakauwi na ng Pinas: Many things happened since I left last year!

Bianca Manalo nakauwi na ng Pinas: Many things happened since I left last year!

PHOTO: Instagram/@biancamanalo

NAKAUWI na ng Pilipinas ang beauty queen-actress na Bianca Manalo matapos ang mahaba niyang bakasyon abroad.

‘Yan ang excited na ibinandera niya mismo sa isang Instagram post noong January 14, kalakip ang video habang siya’y nasa loob ng eroplano.

“Hello Manille!!! [happy face emojis],” pagbati niya sa post.

Ani pa niya, “So many things happened since I left the country last year!!! See you in a few!!! [waving hands emojis]”

Baka Bet Mo: Vicki Belo sa tanong kung mahalaga ba sa babae ang ‘size’ ng lalaki: ‘Ayaw namin ng mahaba, gusto namin mataba!’

Magugunita na nagbakasyon si Bianca sa Japan noong Disyembre upang magdiwang ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

Nagtungo naman siya sa Las Vegas kasama ang boyfriend na si Senador Win Gatchalian upang salubungin ang Bagong Taon.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang dating beauty queen noong nakaraang taon matapos madawit ang kanyang pangalan at ma-link sa “Magandang Dilag” co-star na si Rob Gomez.

Nag-leak kasi ang private conversation nila sa social media na inakala ng maraming netizens ay meron silang relasyon at niloloko umano ng aktres si Senador Win.

Nauna nang nilinaw nina Bianca at Sherwin ang tungkol naging isyu at ibinalita na maayos ang kanilang relasyon.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.

“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family,” aniya pa.

Kasunod niyan ay nagbahagi si Senator Win sa IG ng mga litrato nila ni Bianca na may mensaheng, “No fake news will divide us apart” and “To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you – I will always be by your side.”

Read more...