KNOWS n’yo ba na hindi pala agad nag-click bilang magkaibigan sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes?
Yan ang isa sa mga naging rebelasyon ni Gladys nang magkachikahan sila ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa latest YouTube vlog nito na in-upload last Saturday, January 13.
Ayon sa award-winning actress at isa sa mga tinatawag na la primera contravida sa showbiz, magkaiba ang ugali nila ni Juday noong kabataan nila.
Unang nagkasama ang dalawang premyadong aktres sa classic series na “Mara Clara” na umere noong 1992 at tumagal ng limang taon. Isa ito sa mga pinakamahabang teleserye sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: Friendship nina Joshua Garcia at Daniel Padilla hindi nawasak ng intriga: Nag-click kaming dalawa dahil…
Sa isang bahagi ng vlog, natanong ni Maricel si Gladys ng, “Kumusta naman ka-work si Juday, noong time na ‘yon (nagsisimula pa lang sa mundo ng showbiz)?”
“Lagi kong sinasabi, ‘Nay, hindi kami ‘yung nag-click agad sa totoo lang. Kasi, ‘Nay, si Judy Ann baligtad na baligtad ‘yung personality namin. Si Judy Ann is very quiet,” simulang pagbabahagi ni Gladys.
“Gusto nu’n laging natutulog. Kasi, ‘Nay, child star din ‘yan parang laging puyat. Hindi niya masyadong nae-enjoy na nakikipagchikahan. Ako naman, chika dito, chika sa crew, chika sa staff,” dagdag pang sabi ni Gladys.
Patuloy pa niya, “So, ako naman parang that time, ‘parang ayaw naman akong kausap ni Judy Ann’. Kasi laging tulog.”
Sey ng wifey ni Christopher Roxas, feeling niya yun daw siguro ang rason kung bakit napagkakamalan noong suplada si Juday.
Baka Bet Mo: ‘Mara Clara Concert’ wish ni Gladys para sa reunion project nila ni Juday
Aniya, kapag may mga out-of-town show sila, napapansin niyang lagi lamang nag-i-stay sa van si Judy Ann at lalabas na lang ito ng sasakyan kapag kailangan na siya sa stage.
Naging super close raw sila ni Judy Ann noong sabay silang sumabak sa acting workshop para sa ginawa nilang movie noong 1996, ang “Sana Naman” na idinirek ni Boots Plata.
Last year, muling nagkita ang mag-BFF sa birthday ng anak nina Juday at Ryan Agoncillo na si Luna.
“Reunited after 5 years! Just like our serye Mara Clara, 5 long years! The last was in 2018 in our renewal of wedding vows and it was just a quick hello.
“Finally today, on Luna’s 7th bday! I really missed u sis @officialjuday! So happy to see u and some of our good friends,” ang caption ni Gladys sa litrato nila ni Juday together.