Andrea sa pagsosolo bilang aktres: Mas marami na akong pwedeng paglaruan

Andrea sa pagsosolo bilang aktres: Mas marami na akong pwedeng paglaruan

Andrea Brillantes

FEEL na feel ni Andrea Brillantes ang pagiging solo artist ngayon at talagang ine-enjoy ang mga ibinibigay na projects sa kanya ng ABS-CBN.

Naniniwala ang lead star ng hit Kapamilya suspense-drama series na “Senior High” na mas marami siyang magagawang challenging roles kung iba-iba ang nakaka-partner niya.

Sa finale presscon ng “Senior High” last January 9, ay ipinaliwanag ng controversial youngstar kung bakit mas gusto niyang maging solo actress kesa matali sa isang loveteam.


“I think nagsisimula po siya, nag-start pa lang kasi ako ng acting ko at the age of 7. Parang nagkaroon na rin ako ng kaunti-kaunting partner sa Annaliza, I was 10.

Baka Bet Mo: Nadine Samonte sinabihan ng doktor na hindi na pwedeng magka-baby: ‘Sabi ko, kapag binigyan ako ni Lord ng mga anak, lahat gagawin ko para sa kanila’

“Si Grae (Fernandez), si JK (Juan Karlos) then actually naging partner ko before,” pag-alala ni Andrea.

“Ang dami ko pong pinagdaanan sa mga shows ko na lagi akong may nakakapartner tapos noong nagkaroon ako ng opportunity na parang pwede na ako mag-solo artist parang gusto ko siya i-explore,” dugtong ng dalaga.

“Tapos ngayon super ko po siyang nae-enjoy lang at mas nakikilala ko kasi yung sarili ko at yung sarili ko bilang isang actress at mas marami na po ako pwedeng paglaruan at mas marami na po ako pwedeng makatrabaho na bago,” aniya pa.

Sey pa ni Andrea, looking forward na siya sa mas matitindi pang challenge sa kanyang acting career at mas gusto niyang mag-experiment pa bilang solo actress.

“Parang ang tagal ko na kasi maraming partner. I want something new at habang mas bata pa ako, mas madali pa mag-explore and habang di pa ako super sanay na maging super dependent din po sa, for example, kung magkaka-partner din po ako.

“I think, personally mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa po ako,” paliwanag pa ng dalaga.


Wala naman daw isyu si Andrea sa mga loveteams, “Support po ako sa mga love teams. Nothing against them.”

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang

Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit ni Andrea na hindi sila loveteam ni Kyle Echarri na ka-partner niya sa “Senior High” na talagang tinanggap din ng mga manonood.

Sey ni Andrea, “We’re super happy that we have KyDrea supporting us, pero di kami nagbebenta ng loveteam.

“Ang magagawa lang namin is to clarify sa lahat ng tao na di talaga kami love team, and we are really best friends. Wala naman kaming pinapaasa na tao,” aniya pa.

Sey naman ni Kyle, “Sobrang thankful kami sa KyDrea, they’ve been here for so long. They waited for this project and we’re super happy that we’re together in this project.”

Tutukan ang pasabog na finale ng “Senior High” this week sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN. Kasama rin dito sina Juan Karlos, Xyriel Manabat, Elijah Canlas at marami pang iba.

Read more...