TAMA lang daw na “magpalamig” muna ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ibang bansa sa gitna ng patuloy na pangnenega sa kanya ng bashers.
Hanggang ngayon kasi ay binabanatan pa rin ang binata matapos silang maghiwalay ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo na pinaniwalaang may involved na third party.
May lumabas sa social media na mga litrato ni Daniel na patungo raw Dubai at mukhang mag-isa lang daw itong bumiyahe.
Marami raw ang nakakita sa aktor habang nasa airport at naghihintay sa kanyang flight. Wala umano itong kasama nu’ng mga oras na yun.
Baka Bet Mo: Sa wakas…Luis, Jessy nakapag-honeymoon na sa Dubai, 1st time mag-first class: Yung talagang pangyayamanin!
Base sa in-upload na video at litrato ng isang nagngangalang “Jess Cinco” sa social media, makikitang si Daniel na nakapila sa Immigration.
Makalipas ang ilang sandali, makikita sa video na may lumapit sa kanyang airport staff at sinabihang lumipat siya sa special lane.
“Kanang pa flight nimu pa Dubai habang pila sa immigration wla damha ksakay Nimo si papa Daniel Padilla gwapo kaayo gikilig ko Nag ‘HI MA’AM’ nko Kay nsa likod manko niya gikilig kaayo ko,” ang nakalagay sa caption ng naturang post.
Narito naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa pag-alis ni Daniel sa bansa na nabasa namin sa isang FB page.
“Lalayo muna sa intriga, malayo sa mata ng mga balita.”
“Enjoy Daniel sa mga camel!”
“Takas muna sa mga intriga si boy. Hindi makayabang now. So fly muna sa Dubai.”
Baka Bet Mo: Chito inatake ng matinding kaba sa Dubai concert: May instances pa na muntik na akong mahimatay…
“Bakasyon muna malayo sa mga marites.”
“Tama ‘yan lumayo ka sa toxic din siguro at nega na si Kathryn! Pa-simpleng good gf! Nag-eenjoy siyang idamay lahat.”
Bago ito, nag-viral ang cryptic post ng kapatid ni Kathryn na si Kaye. Sa pamamagitan ng Facebook reel, ibinandera ng kapatid ni Kath ang isang video na may text na, “We know what you did last summer.”
Kalakip niyan ang background music na “Say My Name” ng Destiny’s Child at mababasa pa ang lyrics na ito sa gitna ng video: “Could it be that you are at the crib with another lady?
“If you took it there, first of all let me say
“I am not the one to sit around, and be played
“So prove yourself to me that I’m the girl that you cravin’
“Why don’t you say the things that you said to me yesterday?”
May caption rin ang post na, “2017, 2018, 2019, 2021, 2023…and the very first one that I know (2014).”
Walang tinukoy o binanggit na pangalan si Kaye sa kanyang post, pero tila hinulaan ng maraming fans kung sino nga ba ang pinatatamaan nito.
Marami sa kanila ang naghayag ng pagkadismaya kay Daniel pati na ang pagkagigil sa mga babaeng na-involve umano bilang third party na naging dahilan ng hiwalayan ng KathNiel.