KAHIT pala ang actor-businessman na si RS Francisco ay nalilito na rin sa mga “pronouns” na ginagamit ng LGBTQIA+ community.
Natanong ang entrepreneur at events producer tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan kamakailan ni Ellen Adarna matapos magkomento tungkol sa isyu ng “situationship.”
Ang naguguluhan niyang sabi sa mainit na usapin about “situationship,” “It is as confusing as the non-binary gender and pronouns that are out right now.”
Pero nilinaw naman ng wifey ni Derek Ramsay na hindi siya anti-LGBTQIA+, “Got a lot of DMs like this from the LGBT++ (sorry if may kulang) baka ma-offend na naman kasi kulang baka ma-open letter na naman tayo based on comments and some messages I received, the silent majority have more important things to do in life than have a Master or PhD in pronouns ++.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega welcome kaya sa bagong drag club nina Ice, Liza at RS?
Nang hingan ng reaksyon si RS tungkol dito, nagpakatotoo rin siya sa isyu, “I’ll be honest with everyone. Even ako, as a part of the LGBTQIA+++, nalilito din po ako sa mga transsexual, transgender, asexual, agender, pansexual, demisexual, andami na po talaga!
“Sinasabi ko nga, para inclusive na, A to Z na lang, e. Huwag nang LGBT. A, B, C, D hanggang Z na lang. Even ako po, nalilito.
Baka Bet Mo: Ellen sa ni-repost na ‘gender pronouns’ comment: Baka ma-open letter na naman tayo
“In fact, pag may kausap po akong mga mentors ko o mga elders sa LGBT, itinatanong ko, ano ba talaga yung difference ng transsexual sa transvestite, sa lesbian sa transman?
“Pati ako, nalilito po. Pero as I’ve said, at the end of the day, respeto lang yan. Kung ano yung belief mo, kung ano yung gusto mo, go!” litanya ng isa sa may-ari ng bagong drag club sa Quezon City na RAMPA kung saan co-owner din niya sina Ice Seguerra at Liza Diño.
Patuloy pa niya, “Sa akin, if you believe na babae ka pero sa loob, lalaki ka, e, di go! If you believe na bading ka pero naa-attract ka sa babae, e, di go!
“If you believe na babae ka pero gusto mo babae rin, e, di go! Ngayon kasi, very complex na, hindi mo na alam.
“Before kasi noong ’80s, girl, boy, bakla, tomboy, silahis, AC-DC. Di ba, yun lang ang tawag noon? Ngayon, marami na po. Although hindi ko naiintindihan, nirerespeto ko,” pahayag pa ni RS Francisco.