Mga Laro sa Nobyembre 7
(The Arena, San Juan)
4 p.m. San Beda vs Perpetual Help
6 p.m. Letran vs San Sebastian
SA ikatlo nilang pagkikita sa season ay nanaig pa rin ang San Sebastian Stags sa Perpetual Help Altas, 81-71, para kunin ang number three seeding kahapon sa playoff match ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena, San Juan.
May 20 puntos si CJ Perez habang sina Bradwyn Guinto, Jovit Dela Cruz, Jamil Ortuoste at Gio Vergara ay nagtulung-tulong sa 50 puntos para sa Stags na makaka-sagupa ang No. 2 Letran sa Final Four.
Nagkadikdikan ang Stags at Altas sa huling yugto at nagawa pang makalamang ang Perpetual, 71-70, sa triple ni Harold Arboleda.
Ngunit hindi nagpabaya ang Stags at si Perez ay gumawa ng limang puntos sa 11-0 run ng San Sebastian sa pagtatapos ng laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.