Pops umaming naging ‘boyfriend’ si Randy, niligawan din ni Gary V
NAGING “boyfriend” pala ni Pops Fernandez noon ang TV host-singer at aktor na si Randy Santiago.
Yan ang nakakalokang rebelasyon ng Original Concert Queen nang matanong about her past sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Bukod dito, inamin din ni Pipay na niligawan siya ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ilang dekada na ngayon ang nakararaan.
“Ang bilis kasi ni Ratsky. Ganu’n siya katinik,” ang natatawang chika ni Pops kay Tito Boy tungkol kay Randy.
Baka Bet Mo: Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda
Sey ng OPM icon, sa pagkakatanda niya, katatapos lang niyang gawin noon ang pelikulang “Just Say You Love Me” kung saan nakatambal niya ang kapatid ni Randay na si Rowell Santiago.
View this post on Instagram
“He is my ka-partner, but si Ratsky ‘yung makulit, ‘di ba? Siya ‘yung funny, siya ‘yung tatawag (sa telepono).
“Naging boyfriend ko si Ratsky over the phone. And I think back then, may girlfriend din si Randy. Sorry!” ang pagbabahagi pa ni Pipay.
“Hindi ko lang alam kung alam niya dati na girlfriend ako ni Randy on the phone. Now, alam na niya,” ang natawang sey pa ni Pops.
Isang beses lang din daw silang nag-date ni Randy, ito yung pumayag na ang kanyang nanay na manood siya ng sine kasama si Randy.
“Hindi na uli naulit. Na-freak out na si mama. That ended our phone conversation. Break na kami,” chika pa niya.
Nabanggit din ni Pops na pinormahan din siya noon ni Gary V pero hindi ito nauwi sa isang seryosong relasyon.
Baka Bet Mo: Pops bukas pa rin sa bagong pag-ibig; may ibinuking tungkol kay Martin
“Nanligaw…he would call me ‘til wee hours of the morning. Siyempre, kilig-kilig naman ako,” sey ni Pops. Pero hanggang du’n lang daw yun at hindi na sila nagkaroon ng chance na maging love birds.
View this post on Instagram
Hanggang sa dumating na nga sa buhay niya si Martin Nievera, na naging asawa niya, “It was the constant togetherness.
“Madadala ka rin naman talaga sa mga tao, ‘di ba? Mga fans, they loved us together. We really do have chemistry, you know?
Baka Bet Mo: Tanggapin kaya ni Randy Santiago kapag inalok siyang maging host sa bagong ‘Eat Bulaga’?
“Siguro at that moment, ‘yun na nga, parang alam ko break na sila, although madaming nanligaw, siya parati ‘yung kasama ko. Bawal kasi siyempre magpaligaw.
“Parati ko lang nakakasama, si Martin. So, it’s easy naman to fall in love with Martin,” sabi pa ni Pipay.
Nagpakasal sina Pops at Martin noong 1986 at na-annull noong 2000. Biniyayaan sila ng dalawang anak – sina Robin at Ram Nievera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.