Donny very proud sa success ng Maris-Anthony loveteam sa Can’t Buy Me Love

Donny very proud sa success ng Maris-Anthony loveteam sa Can't Buy Me Love

Donny Pangilinan, Maris Racal at Anthony Jennings

TUWANG-TUWA at very proud si Donny Pangilinan sa mga co-stars niya sa “Can’t Buy Me Love” na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Bukod kasi sa tambalan nina Donny at Belle Mariano sa naturang teleserye ay inaabangan at tinututukan din ng mga manonood ang nakaka-good vibes na loveteam nina Maria at Anthony bilang sina Irene at Snoop.

In fairness, unexpected talaga ang pag-iingay ng tandem nina Maris at Anthony sa “Can’t Buy Me Love” na lagi ring trending ang mga eksena sa social media lalo na ang mga batuhan nila ng punchlines.

Baka Bet Mo: Jennylyn ibinuking kung bakit tumigil sa pagpo-post ng litrato sa socmed

Sa panayam ng ABS-CBN, natanong si Donny tungkol sa pagsikat ng tambalan nina Maris at Anthony, “I love them. That’s all I’m gonna say. Mga kapatid ko ‘yan.”


Happy daw siya na nabibigyan na ng espesyal na atensiyon ang dalawa sa kanilang serye, “I think, ‘Can’t Buy Me Love’ is ‘Can’t Buy Me Love’ because of everyone there. So, I can’t wait for more of their scenes.”

Ayon kay Donny, parang tunay na magkapatid na raw ang turingan nila sa isa’t. Sa katunayan, anak na rin ang turing ng nanay ni Donny na si Maricel Laxa kay Anthony.

Baka Bet Mo: Anthony Jennings susunod sa yapak nina Piolo, Daniel at Paulo: Wow! Nakakaiyak naman, nakakakilig!

“He’s in the house right now. Literally. Kasi kagagaling ko lang sa bahay nandun lang siya. Sobrang close kami nun. As in, galing kaming taping ibang unit kagabi.

“Ngayon nasa bahay lang siya kasi nagkuwentuhan kami after. Hindi ko nga alam kung gising pa ‘yun eh,” sabi pa ni Donny sa naturang interview.

“Basta si Anthonny very game lang siya, and sabi ko naman sa kanya na simula pa lang to at mas marami ka pang mapapakita sa mga tao, simula pa lang to,” dagdag pa ni Donny na bibida sa upcoming movie “Good Game” o “GG”.

Kasama niya sa pelikula si Maricel Laxa, Baron Geisler, Boots Anson-Roa, Gold Aceron at ang namayapang veteran actor na si Ronaldo Valdez. Showing na ito sa January 24 sa mga sinehan nationwide.

Read more...