FEELING blessed and thankful ang basketball player at aktor na si Ricci Rivero dahil sa mga blessings na dumarating sa kanyang buhay.
Naka-move on na raw siya nang bonggang-bongga mula sa mga kinasangkutan niyang kontrobersya at intriga nitong nagdaang taon.
Kabilang na nga riyan ang breakup nila ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes. Sey ni Ricci, wala nang “bad blood” sa pagitan nila ng Kapamilya actress after their breakup.
Sa isang panayam, nahingan ng reaksyon ang binata tungkol sa pagkakadawit ni Andrea sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Baka Bet Mo: Ricci Rivero tinupad ang promise sa UP Ikot Drivers, naibigay na ang P200k ayuda
“Any comment wala po. From the very start, I just wanted peace for everyone. Ako gusto ko lang family ko masaya, I’m very lucky to be happy as well both career and relationship ngayon.
“Wala ako anything against kahit sino. Kaya ako nagsalita before just for the sake for people to hear my side,” pahayag ni Ricci sa naturang interview.
Mariin pa niyang sabi, kinailangan niyang magsalita noon para ipagtanggol ang kanyang pamilya pati na ang girlfriend niyang si Leren Mae Bautista.
“Nagsasalita lang ako if bugbog na family ko and Leren, which I think they don’t deserve. Sa akin wala.
“Kasi pumasok ako sa relationship, I know how social media plays on our lives and spotlight we got in that time. Walang anything. No bad blood.
“Masakit lang for my family, they don’t deserve the words and judgment.
“I was sad for her (Leren Mae). Those are the times nagsalita ako. And my family. First time nila maranasan. I felt unfair sa kanila.
Baka Bet Mo: True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?
“Pero ngayon tapos na du’n. I’m just happy masaya family ngayon. Mas happy kami ngayon.
“Yung core namin is hanggang nasa tama ka naman, God will help us din through the storms. Lahat yan hindi bibigay without knowing kaya natin lagpasan,” sey pa ng cager.
At isa raw sa mga natutunan niya mula sa breakup nila ni Andrea ay ang mas gawing private pa ang kanyang pakikipagrelasyon, “Yung relationship namin private na po muna.”