Maymay Entrata ‘feeling blessed’ sa 7 years sa showbiz

Maymay Entrata ‘feeling blessed’ sa 7 years sa showbiz: Know that everything is possible with Him!

Pauline del Rosario - August 10, 2023 - 05:04 PM

Maymay Entrata ‘feeling blessed’ sa 7 years sa showbiz: Know that everything is possible with Him!

PHOTO: Instagram/@maymay

PITONG taon na pala sa showbiz industry ang Kapamilya actress na si Maymay Entrata.

At ‘yan ay minarkahan niya sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang “best clips” sa social media.

Sa Instagram, ibinandera ni Maymay ang ilang memorable moments niya mula nang pasukin ang mundo ng showbiz.

Kabilang sa mga ipinakita niya ay ‘yung pagtatanghal niya sa 1MX Music Festival na naganap sa London noong Hulyo.

Caption pa niya sa IG, “Sharing you MAYloves my latest best clips, ‘yung huli po ang pinaka-favorite ko.”

Kasabay niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang Diyos dahil sa mga biyayang dumating sa kanyang karera.

“Know that everything is possible with Him. Happy 7th Anniversary po sa atin [holding back tears emoji],” sey niya.

Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Maliban sa fans, binati rin siya ng kapwa-celebrities kabilang na sina Bianca Gonzalez, Loisa Andalio, Lovely Abella, at marami pang iba.

“Yes nothing is impossible with him [folded hands emojis],” sey ni Lovely.

Komento naman ni Bianca, “So happy for you. Love you May!”

Magugunitang sinabi ni Maymay sa isang vlog na mas tinututukan na niya ngayon ang paggawa ng kanta at ang pagiging singer.

“‘Yun na ‘yung priority ko talaga, pero hindi ko pa rin iniiwan ang acting ko,” saad niya.

Inamin din ng aktres na hindi na siya masyadong komportable sa pag-arte dahil ilang taon na siyang hindi sumasabak sa pelikula.

Kung maaalala, nagsimula sa showbiz si Maymay nang sumabak at manalo siya sa “PBB: Lucky 7” noong 2017.

Ilan lamang sa mga naging proyekto niya ay ang “La Luna Sangre” at “Click, Like, Share.” 

Naging tampok din siya sa mga pelikulang “Loving in Tandem,” “Fantastica,” at “Princess DayaReese.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Pauleen inalala ang pagsisimula ng love story nila ni Bossing: Ang weird tsaka nakaka-stress…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending