Nakakakilabot na ang pagbabatuhan ng mga baho ng mag-inang GRETCHEN at INDAY BARRETTO | Bandera

Nakakakilabot na ang pagbabatuhan ng mga baho ng mag-inang GRETCHEN at INDAY BARRETTO

Cristy Fermin - October 30, 2013 - 03:00 AM


Nakakapangilabot na ang mga nagaganap na pagpapalitan ng mga salita ngayon sa pagitan ng mag-inang Inday at Gretchen Barretto.

Hindi na ordinaryong nagaganap sa mga mag-ina ang nangyayari sa kanila, literal na silang nagbabatuhan ng putik, literal na rin silang naglalaba ng kanilang mga baho sa publiko.

At heto na naman ngayon ang gasgas nang katanungan, alin nga ba kasi ang mas nauna, ang itlog o ang manok? Ang manok ba o ang itlog? Nakakalungkot lang isipin na mismong magkadugo pa ngayon ang nagbabangayan at nagbabatuhan ng putik, sana’y magkaibang tao na lang, hindi magkadugo na katulan nina Mommy Inday at Gretchen.

Kung dati’y namamangha lang ang mga kababayan natin sa walang katapusang istorya ng pagpapatutsadahan ng mag-iinang Mommy Inday, Marjorie at Gretchen, ngayon ay kilabot na ang kanilang nararamdaman, meron daw pala talagang ganito?

Sabi ng isa naming kaibigan, “Hindi talaga sila nakinig sa mga opinion nu’n ng marami na sana, e, mag-usap-usap na lang silang mag-iina, pinanindigan na talaga nila ang pagwawasakan ng image in public.

“Nakakalungkot lang dahil iisang tiyan lang naman sila, si Mommy Inday ang nagpanganak sa magkakapatid, kasali na si Claudine, pero ganito ang nangyayari sa kanila ngayon.

Hindi pala sapat na maganda lang ang tao,” doble ang talim ng komento ng aming kaibigang napapailing na lang sa sitwasyon.
‘Yun ang madalas na nasasabi ngayon ng mga kababayan natin, ang gaganda pa naman nila, pero naggaganyanan sila sa harap ng publiko.

Kung sana’y magkakaibang dugo sila, pero ang nakalulungkot nga, isang sinapupunan lang ang pinagmulan nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

At iisa lang ang kanilang nanay, hindi naman magkakaiba, pero para silang mga payaso ng circus ngayon na tinututukan at pinagtatawanan ng sambayanang Pinoy. Nakakaloka.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending