Wedding gown ng anak ni Cristina Decena nabili sa Divisoria

Wedding gown ng anak ni Cristina Decena nabili sa Divisoria, nakatipid ng P155k

Reggee Bonoan |January 11,2024
facebook
share this

Wedding gown ng anak ni Cristina Decena nabili sa Divisoria, nakatipid ng P155k

Reggee Bonoan - January 11, 2024 - 12:44 PM
Wedding gown ng anak ni Cristina Decena nabili sa Divisoria, nakatipid ng P155k

MAGKASUNOD na taon ay may ikinakasal na anak ang kilalang negosyateng si Cristina Decena.

Noong 2022 ay isa pa kami sa tumayong ninang sa panganay niyang anak na si Denny Decena-Mina kay Donnie Mina.

At nu’ng November 11, 2023 ay ikinasal naman ang ikaapat niyang anak na isang piloto na si Captain Cristina May Decena o MM kay Christian Peralta, isang aesthetic doctor sa Belleza Aesthetics Clinic nap ag-aari ng pamilya Decena.

Anyway, nakakatuwa ang kuwento ni MM dahil ang kanyang wedding dress ay binili niya sa Divisoria, yes lahat ng mga anak ni Cristina ay wais sa paghawak ng pera na namana nila sa kanilang inang negosyante.

Kuwento ni MM, “Meron kaming mga wedding suppliers na non-negotiable, which was the food. Top priority namin yung food, tapos photo and video, also the venue. So, medyo yung big four na yun, doon napunta yung budjey (budget).

Baka Bet Mo: Payo ni Cristy Fermin kay Jinkee Pacquiao, magsimula nang mag-shopping sa Divisoria

“As in very pricey po talaga yung mga nangyari du’n sa apat na ‘yun. Tapos na-realize ko na parang pag wedding gown isang beses mo lang namang susuutin tapos itatago mo na after, and it’s really more on bagay sa iyo o hindi. Hindi naman siya sa pangalan nu’ng gumawa.

“Kaya nag-research ako, nagpunta akong Divi, nagsukat-sukat ako du’n. Tapos nu’ng natuwa ako, pinursue ko ng Divisoria na lang,” sabi niya.

Umabot lang sa P45,000 ang ipinagawang wedding gown ni MM na malaking tipid kumpara sa unang pinatanong niya na aabot sa P150,000 hanggang 200,000.

Ang gumawa naman daw ng suit ng husband niya ay kilalang designer na taga-Bulacan at family friend nila na nangangalang Sony Boy Mindo.

Sa Tagaytay Hillcreek Gardens ginanap ang kasal at ngayong 2024 naman gagawin ang honeymoon nila sa Europe.

Sa Tinder dating app nagkakilala si MM at ang hubby niya na noo’y intern doctor sa Rizal Medical Center sa Pasig City.

Umabot sa limang taon ang relasyon ng dalawa bago nag-propose si Christian ng May 2022 at ikinasal sila ng Nobyembre 11, 2023 na 6th anniversary nila as magdyowa. Si MM ang pumili ng petsang 11-11.

“Kasi po growing up, alam niyo po ba yung tumblr.com? Blogger po kasi ako growing up, nagsusulat ako ng parang online dairy tapos uso nun sa Tumblr yung 11-11 wish. Na parang kapag naabutan mo daw sa orasan yung 11:11, puwede kang mag-wish,” pagbabahagi nito.

Sa tuwing magwi-wish daw si MM ay hindi nawawala n asana makilala niya ang tamang lalaki para sa kanya.

Samantala, ayon naman kay Cristina bilang ina ay nalulungkot siya dahil may asawa na ang anak.

“Pero pag ibibigay mo yung anak mo sa isang taong alam mong mahal yung anak mo, at alam mong successful at alam mong may pagmamahal din sa mga magulang niya, siyempre, alam mo na mabuting tao.

“Kasi ako, mahal na mahal ko yung magulang ko, e. Ako yung nag-alaga sa magulang ko, e. Pag ikaw nag-alaga ka sa magulang mo, lagi kang makakatayo sa lahat ng problema mo.

“Kasi nakikita ni Lord lahat ng mga ginagawa natin sa mundo, di ba? Naniniwala ako du’n. Ang ganda ng proposal niya (Christian) sa anak ko, sa Balesin ginawa, nandu’n kaming lahat!

Baka Bet Mo: David Licauco, Dominic Roque super crush ng batambatang CEO; Lala Sotto pasok sa 100 Most Empowered Women of the Year

“Yang son-in-law ko na yan, tinitipid niya yung sarili niya. Talagang sobrang tipid.

“Napaka-successful na doctor di ba minsan tayo, hindi naman sa pagmamayabang, pag tayo di ba pupunta sa isang doktor, tinitingnan muna natin, ‘Ano kayang klaseng doktor ‘to?’ Sa dami ng pasyente niya, number one siya.

“Tapos titingnan mo kung ano suot. Hindi siya mahilig sa signature. Na kahit anong gamit, ‘yung mga signature na belt, signature na shoes, hindi siya mahilig.

“So, ang ginawa ko, dahil binigyan niya yung anak ko ng singsing na three karats na heart-shaped na napakaganda, so siyempre alam ko kung magkano ang halaga nu’n, di ba?

“Binigyan niya ng magandang engagement party, proposal siyempre alam ko kung magkano yung mga nagastos niya doon. Pati yung kasal binigyan niya ng napakagandang kasal.

“Kaya bago siya ikasal, dinala ko siya sa Louis Vuitton (store). Sabi ko, ‘Kailangan ang shoes mo Louis Vuitton. Kailangan ang belt mo Louis Vuitton rin. Sige, anak, kung ano ang gusto mong bilhin diyan ako ang magbabayad.’

“Kasi nga, nakita ko na tinitipid niya ang sarili niya. Lahat ng iniipon niya para sa anak ko—yung singsing, yung proposal, tapos yung wedding. So, natantiya-tantiya ko kung magkano lahat ang inilabas niyang pera para sa anak ko.

“So, ako naman, dahil tinitipid niya ang sarili niya at parang anak ko siya at magiging anak ko na siya during that time before the wedding, dinala ko sa LV. Sabi ko, lahat ng gusto mo bilhin mo ako ang magbabayad.

“Ayaw niya. Pero ako mismo ang namili para sa kanya. Dahil parang natulala, e. Sabi ko, ‘Lahat ng kulay ng sapatos kunin mo!’

“Kasi nakakatanggap siya ng awards, pumapanhik siya ng stage tapos napakasimple niya, ng sapatos niya, iyon lagi ang nakikita kong sapatos na suot niya. Yung suit niya nag-iibang kulay lagi pero yung sapatos niya (hindi).

“Sabi ko, ‘Hindi mo tinitipid ang anak ko. Since ganyan ang ugali mo, halika gagantimpalaan kita,'” sabi ni Cristina.

Ipinagtapat din ni Cristina na parte ng speech ng son-in-law niya ay naluha siya.

“Nakita ko yung groom, umiiyak siya, na-touch akong masyado sa sinabi ng groom tungkol sa anak ko, na akala daw niya hindi niya kayang abutin dahil anak ni Cristina Decena. Pero napakasimple pala daw ng anak ko, down-to-earth, at saka higit sa lahat, sobrang organized,” aniya.

Ang mga dumalo sa kasal at nagsilbing mga ninong at ninang ay sina Korina Sanchez-Roxas, Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., Bulacan Governor Daniel Fernando, at ang beauty guru na si Cathy Valencia, Patricia Javier at ang mister nitong American chiropractor na si Dr. Robert “Rob” Walcher.

Dumalo naman daw sina 2010 Miss Universe 4th runner-up na si Venus Raj na kaibigan ni Cristina at co-host sa travel show na “Business Flight,” at ang Lord of Scents na si Joel Cruz ng Aficionado Perfumes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si MM ay piloto sa Alphaland Aviation ng Balesin Island.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending