MUKHANG inaalat talaga ngayon ang noontime show ng GMA 7 na “Tahanang Pinakamasaya” hosted by Isko Moreno, Buboy Villar and Paolo Contis.
Wala pang isang linggo ang programa mula nang pagbawalan silang gamitin ang titulong “Eat Bulaga” ay puro pamba-bash na naman ang natatanggap nila.
Matapos asarin at okrayin ang ipinalit na title ng TAPE Incorporated sa “Eat Bulaga” na “Tahanang Pinakamasaya” ay may bago na namang kinakaharap na isyu ang show.
Nitong nagdaang linggo ay kinatigan ng korte ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon bilang tunay na may-ari ng “Eat Bulaga” trademark kaya naman binago na ng TAPE ang kanilang noontime show sa GMA 7.
Baka Bet Mo: Pagre-resign ni Buboy sa Eat Bulaga ‘fake news’: ‘Patuloy pa rin akong magpapasaya sa Dabarkads!’
At kasunod nga nito, inakusahan na naman sila na ginaya umano ang logo ng “Tahanang Pinakamasaya” sa isang project mula sa Quezon Province.
May lumabas na report na binabalak umano ng kampo ni Quezon Governor Helen Tan na magreklamo laban sa TAPE dahil sa panggagaya raw sa kanilang logo design.
Wala pang official statement na inilalabas ang Quezon Provincial Government hinggil sa usaping ito. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng TAPE sa naturang isyu pati na ng iba pang taong involved.