Bea Alonzo nilaglag ang fiancè, Dominic Roque may Vivamax app

Bea Alonzo nilaglag ang fiancè, Dominic Roque may Vivamax app

Bea Alonzo

HAVEY na havey ang naging pambubuking ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ukol sa “secret” ng kanyang fiancé na si Dominic Roque.

Nag-guest kasi ang dalaga sa YouTube vlog ni Lucky Manzano na “Luis Listens” kung saan sumalang siya sa lie detector test.

Ito kasi ang madalas na content ni Bea sa kanyang vlog kaya naman ito ang naging hamon sa kanya ng asawa ni Jessy.

Isa sa mga naging tanong sa Kapuso actress ay kung nae-enjoy ba nito ang manood ng sexy movies kasama si Dom.

“Sexy movies or porn?” natatawang tanong ni Bea.

Sey naman ni Luis, sagutin niya na lang ito pareho.

Natanong rin si Bea kung nasubukan na ba niya ang manood o nakapanood na ba siya ng mga palabas sa Vivamax na kilala sa pagpapalabas sa mga sexy movies.

Sagot ni Bea, hindi pa raw pero may natuklasan siya kay Dom na may kinalaman sa naturang app.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo proud na proud sa pagiging ‘consistent’ ni Dominic Roque


Kuwento ni Bea, nakita raw niyang may app ng Vivamax ang kanyang soon-to-be hubby na talagang ikinagulat niya.

“Hindi pa ako nakapanood. Pero may Vivamax si Dom na app, sabi ko ‘Bakit may Vivamax ka?’” kuwento ng aktres.

Tumatawabg sabi naman ni Luis, “Baka na-download lang!”

Giit ni Bea, meron daw talagang app si Dominic.

“Meron talaga siya, sabi niya susupport daw niya si Marco Gumabao doon sa movie niya with Kylie Verzosa,” sey ng aktres.

Dagdag pa ni Bea, “Dapat ba magalit ako?”

Hiniritan naman ni Luis si Dominic at sinabing, “Okay Dom. Support lang nang support kay Marco!”

Chika pa ni Bea, nakita raw niya mismo ang app sa TV ni Dom.

“‘Di ba sa TV maraming streaming apps. Like, meron siyang Disney, meron siyang Netflix, meron siyang Viu, tapos kasama ‘yong Vivamax, sabi ko ‘Bakit may Vivamax ka diyan?” sey ni Bea.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol.

“Okay lng yan bsta sabay kayo manonood,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “ang galing c marco ang sangkalan ni dom.”

“Supportive friend ata tawag jan,” sey naman ng isa.

Read more...