Pops bukas pa rin sa bagong pag-ibig; may ibinuking tungkol kay Martin

Pops bukas pa rin sa bagong pag-ibig; may ibinuking tungkol kay Martin

Pops Fernandez, Gary Valenciano at Martin Nievera

SINGLE na single pa rin hanggang ngayon ang singer-producer at Original Concert Queen na si Pops Fernandez.

Makalipas ang mahabang panahon ay wala pa ring bagong dyowa si Pipay pero welcome at very open naman siya kung sakaling may darating na karapat-dapat na lalaki sa buhay niya ngayon.

Sey ni Pops, happy at kuntento naman siya kahit walang lovelife, keribels na raw sa kanya ang makasama ang mga anak at ang kauna-unahan niyang apo kay Robin Nievera na si Baby Phineas Atlas Acoba Nievera.

Muling nakachikahan ng entertainment media ang Concert Queen sa mediacon para sa kanyang 40th anniversary major concert na “Always Loved” na magaganap sa The Theatre Solaire Resort and Casino sa February 9 at 10, 2024.

Dito nga natanong si Pipay sa estado ng kanyang lovelife. Sey ng singer-actress na parang hindi rin tumatanda at mas lalo pa yatang bumabata, bukas pa rin ang kanyang puso sa bagong pag-ibig pero hindi naman daw siya naghahanap.


Sa isang bahagi ng presscon, natanong din si Pops tungkol sa relasyon nila ngayon ng ex-husband niyang si Martin Nievera.

In fairness, isa ang dating mag-asawa sa mga ex-couples na maayos na maayos ang samahan ngayon sa kabila ng pagkawasak ng kanilang marriage.

Kaya naman ang question kay Pops kung nagkakaroon pa rin ba sila ni Martin ng tampuhan. Sagot ni Pops, “Natawa ako kasi parang recently lang, pero huwag na yon. Hindi naman yon mawawala sa amin because we are in separate situations.

Baka Bet Mo: Regine, Ogie nagpa-dinner sa ilang Kapamilya stars, Pops super enjoy: Masakit pa tiyan ko sa katatawa!

“I don’t want to pretend na we are a hundred percent okay. We go through certain tampuhans. But what is good about it is we know how to deal with it,” sey ni Pipay sa naturang presscon na idinaos sa Mesa restaurant sa Quezon City.

Pagpapatuloy ni Pops, “Sometimes we just… time always heals wounds, di ba?Yun na nga, because I think we choose to always be okay, nase-settle naman siya.

“We settle everything privately and we deal through all those misunderstanding privately also,” paliwanag pa niya.

Inamin naman ng singer-actress na hindi rin naging madali para sa kanya ang makapag-move on at matanggap ang paghihiwalay nila ni Pops, “That is a lot of mind conditioning. I have to be honest, ha? Siyempre, that’s very painful so a lot of mind conditioning and acceptance.

“You have to get to a level na kailangan sobra ka nang strong to accept it. I said it before, it took a lot of years because again, ayokong balikan yung pain, e.


“Pero it has to be mentioned para alam ng mga tao na hindi ganoon kadali, for those who are probably going through the same thing I went through.

“Hindi siya madali pero possible, di ba? Because it’s totally up to you. Rather than mag-aaway kami, ayoko naman parati kaming mag-aaway, for the sake of our children who are still very young then.

Baka Bet Mo: Fans nina Julie Anne at Jolina nagbardagulan, sino nga ba ang karapat-dapat tawaging ‘Pop Icon’?

“Mas maganda na mas okay kami and, again, it’s not easy. If it is easy, those things are emotions…are never been easy so you have to condition yourself and you have to accept it and again, you have to be strong enough to admit it to yourself,” esplika pa niya.

In fairness, kahit magtatatlong dekada na ang lumipas mula nang maghiwalay sila ni Martin ay marami pa rin silang mga tagasuporta na talagang bumabati pa rin ng “happy anniversary” sa kanila every June 28.

“Sobra akong grateful na maski alam nila na medyo baka hindi na yon mangyari (balikan nila ni Martin), they’re still there at naiintindihan nila ‘yung situation namin.

“Ang magandang nangyayari sa amin, a couple of years ago, I posted something on my Facebook kasi naaliw ako na every June 28, naaalala pa nila at sine-celebrate pa nila ang anniversary namin ni Martin.

“So, kami ni Martin, hanggang ngayon, ang batian na lang namin sa June 28, ‘Hey happy June 28th,’ because nga I know that we have fans that still celebrate it and still a big deal for them. And thank you that they accept us for our situation now,” pahayag pa ni Pops.

Samantala, para sa lahat ng loyal supporters ni Pipay at pati na ng mga bago niyang fans (mga Gen Z), tuloy na tuloy na ang pagbabalik niya sa concert scene.

Ang two-night 40th anniversary concert ni Pops na “Always Loved” sa The Theatre Solaire Resort and Casino sa February 9 at 10, ay bonggang regalo niya sa lahat ng kanyang fans na talaga namang naghihintay sa pagbabalik niya sa concert stage.

Maraming surprise guests si Pipay sa show pero ang pwede pa lang sabihin ay sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Read more...