Gretchen Ho dismayado sa performance ni Jo Koy sa Golden Globes

Gretchen Ho dismayado sa performance ni Jo Koy sa Golden Globes

Gretchen Ho at Jo Koy

NAGLABAS ng saloobin ang kilalang personalidad at host na si Gretchen Ho ukol sa ginawang hosting stint ng Filipino-American comedian na si Jo Koy sa 2024 Golden Globe Awards.

Sa kanyang X (dating Twitter), ipinahayag ng dalaga ang kanyang saloobin sa kontrobersyal na hosting ng komedyante kalakip ang video ng aktwal na pagdyo-joke nito.

“Hosts are always, always responsible for their scripts,” saad ni Gretchen.

Pagpapatuloy pa niya, “Whether it’s your own or not, at the end of the day, it’s your face and career on the line. This was such a huge stage, and a wasted opportunity.”

Baka Bet Mo: Gretchen Ho tawang-tawa na mas sikat pa ang furbaby kesa sa kanya: Maniningil na ako next time

 

Isa si Jo Koy sa nga trending topic ngayon sa X dahil marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa pagho-host nito lalo na sa ginawa nitong joke sa international singer-songwriter na si Taylor Swift.

Nagpatutsada kasi ito ukol sa love life ng dalaga.

“The big difference between the Golden Globes and the NFL? At the Golden Globes, we have fewer camera shots of Taylor Swift,” sey ni Jo Koy.

Matapos niyang bitawan ang kanyang joke ay tinapatan si Taylor ng camera at makikitang hindi nito nagustuhan ang joke ukol sa kanya.

Read more...