SA unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag ang veteran actor na si Leo Martinez tungkol sa kanyang anim na anak.
Isa na nga rito ay ang naging anak nila ng award-winning actress na si Cherie Gil na pumanaw noong August 5, 2022 sa edad na 59, matapos makipaglaban sa endometrial cancer.
Ang tinutukoy namin ay si Jeremiah David Gil Eigenmann o Jay na magdiriwang ng kanyang 37th birthday sa darating na January 19.
Nagtatrabaho ang anak nina Leo at Cherie bilang sound engineer sa Amerika at base sa mga naging pahayag ni Leo, 1-year-old pa lang siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.
Baka Bet Mo: Leo Martinez nanawagan para sa mga senior: Maawa kayo, aba’y mahigit 1 taon na kaming nakakulong…
Sa panayam ng veteran actress na si Snooky Serna kay Leo na napapanood sa YouTube channel nito, isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa kanyang mga anak mula sa mga babaeng kanyang minahal.
Nagpakita si Snooky ng ilang throwback photos kay Leo, una na nga riyan ang litrato nila ng asawang si Gina Valenciano (kapatid ni Gary Valenciano) kasama ang kanilang panganay na anak na si Lesley Valenciano Martinez.
Baka Bet Mo: Socmed influencer Francis Marcos kinampihan ng Comelec, tuloy ang pagtakbong senador
Reaksyon ng aktor, “1988 iyan dahil iyan ang first baby namin ni Gina, si Lesley, who is the mother of my apo.” Aniya, 36 years na silang nagsasama ni Gina bilang mag-asawa at biniyayaan ng tatlong anak.
Next na ipinakita ni Snooky ay ang litrato ni Leo na napapalibutan ng kanyang anim na anak, “Ito yung family picture namin with my six kids.”
Sey ng beteranong aktor, “Whenever they ask me, ‘Ilan ang anak mo?’ Ang sagot ko – two, one, three. Two sa una, one kay Cherie, three kay Gina.”
Maayos at maganda raw ang relasyon at turingan ng lahat ng anak, “Up to now, they’re seeing each other in the States.”
Sabi ni Snooky, mukhang super close raw ang lahat ng kanyang mga anak, reaksyon ni Leo, “Oo, kasi when she was alive, Cherie and Gina were best of friends.”
Napapanood ngayon ang aktor sa TV series na “Abot-Kamay na Pangarap” ng GMA 7 at “Senior High” ng ABS-CBN.