Sunshine sa mga anak: Hindi ko sila tinuturuang magtanim ng sama ng loob sa ama nila! | Bandera

Sunshine sa mga anak: Hindi ko sila tinuturuang magtanim ng sama ng loob sa ama nila!

Ervin Santiago |July 08,2018
facebook
share this

Sunshine sa mga anak: Hindi ko sila tinuturuang magtanim ng sama ng loob sa ama nila!

Ervin Santiago - July 08, 2018 - 12:10 AM

APEKTADO ang mga anak ni Sunshine Cruz sa mga kinasasangkutang iskandalo ng kanilang amang si Cesar Montano, kabilang na rito ang kinukuwestiyong pondo ng Tourism Promotions Board (TPB) na ginamit sa Buhay Carinderia project.

Ayon kay Sunshine, kinausap na niya ang mga anak nila ni Cesar kung paano haharapin ang isyung ito. “Like what I told the kids, ‘You shouldn’t be affected because even your vehicle and even the clothes you wear are from your mom.

“I work hard to be able to provide those for you. So you just have to pray for your dad because he’s your father.”

“Hangga’t maaari, hindi ko tinuturuan magtanim ng sama ng loob ‘yung mga bata sa kanya,” ang pahayag ng aktres nang makausap ng ilang miyembro ng entertainment press sa mediacon ng bagong Kapuso daytime teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

Ayon kay Sunshine, never niyang tinuruan na magrebelde kay Buboy ang mga bata, at nagpapasalamat din daw siya sa Diyos na mababait ang kanyang mga anak at mabilis nilang naiintindihan ang mga nangyayari.

Tumanggi nang magdetalye si Sunshine nang tanungin kung nakikita pa ba ng mga anak niya si Cesar, “Pero siyempre, di ba? Tatay is tatay. Eventually baka naman…we’re hoping na maayos. Baka kailangan lang niya ng more time.”

Thankful din daw siya sa kayang boyfriend na si Macky Mathay dahil 100 percent ang suportang ibinibigay nito sa kanya bilang single and working mom, “Macky is always there for them, which we appreciate.”

Samantala, excited na si Sunshine sa pagsisimula ng bago niyang teleserye sa GMA 7 na Kapag Nahati Ang Puso na magsisimula na sa July 16 bago mag-Eat Bulaga. Ito ang papalit sa malapit nang magtapos na My Guitar Princess ni Julie Anne San Jose.

In fairness, bidang-bida rito si Sunshine kung saan gaganap siyang nanay ni Bea Binene na paghihiwalayin ng tadhana at magiging magkaribal sa pagmamahal ng isang lalaki na gagampanan naman ni Benjamin Alves.

Si Bea ang magiging anak ni Sunshine sa karakter ni Zoren Legaspi. Pero dahil sa isang aksidente, mapupunta sa pangangalaga ni Zoren ang bata na daranas naman ng matinding pagsubok sa piling ng kanyang madrasta na gagampanan naman ni Bing Loyzaga.

Napanood na namin ang full trailer ng Kapag Nahati Ang Puso at in fairness, kakaiba ang tema at kuwento nito. Bukod sa masalimuot na love story na iikot sa karakter nina Sunshine, Bea, Benjamin at Zoren, dapat ding abangan ang kasamaan ni Bing sa kuwento na siyang magpapahirap sa nagkahiwalay na mag-ina.

Makakasama rin sa bagong daytime series ng GMA sina David Licauco, Raquel Villavicencio, Robert Ortega, Sharmaine Santiago, Geleen Eugenio, Nar Cabico with the special appearance of Freddie Webb.

Ito’y sa direksyon ni Gil Tejada, Jr., at magsisimula na sa July 16 sa morning block ng GMA.

q q q

Tumodo sa pagwo-workout si Zoren Legaspi para masabayan ang pagiging hot mama ng kanyang leading lady sa Kapag Nahati Ang Puso na si Sunshine Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Twice a day ako nagwu-work out tapos may kasamang diet so may discipline talagang kailangan kaya mahirap tapos during taping imi-maintain pa dapat. Sa morning, I bike mga three hours outdoor tapos sa gabi gym workout,” sey ng aktor.

“Pinaka-adjustment na ginawa ko is physical adjustment. Gusto ko this time kapag napanood nila ako, physically may iba sa sa akin. Nag-cut down ako sa weight para maiba naman,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending