Elle Villanueva nagka-trauma dahil sa intense na mga eksena sa ‘Makiling’?
By: Ervin Santiago
- 12 months ago
Elle Villanueva at Derrick Monasterio
TILA may trauma na ang Kapuso leading lady na si Elle Villanueva sa tuwing sasalang sa taping ng bago niyang serye sa GMA 7, ang mystery revenge drama na “Makiling.”
Ito ang inamin ng dalaga nang humarap sa members ng entertainment media sa presscon ng “Makiling” kung saan muli niyang makakatambal ang boyfriend niyang si Derrick Monasterio.
Sey ni Elle, napakahirap ng role niya sa latest serye ng Kapuso Network bilang si Amira, na biktima ng pambu-bully ng mga kasamahan niya sa school na ginagampanan naman nina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro at Teejay Marquez.
Inamin ni Elle na naa-absorb na raw niya ang pang-aapi at pananakit sa kanya ng mga bully hanggang sa totoong buhay.
“Personally, hindi ko naman na-experience ang bullying na ganu’n ka-intense. So, playing this role nararamdaman ko ‘yung nararamdaman ni Amira.
“So, it was really hard for me to move kasi even off-cam. I felt like the world was against me. I felt like a small person.
“But, at the same time parang kailangan kong gawin ‘to, e. Kailangan kong ipaglaban ‘yung sarili ko. Masakit siya sa feeling kasi wala ka namang ginagawang masama bakit ako nilalait-lait at bakit ako sinasaktan,” aniya pa.
Inaatake na rin daw siya ng takot sa tuwing sasabak na sa taping, lalo na sa mga eksenang pahihirapan na ang karakter niya.
“I’m so afraid. Sobrang natatakot na po ako kasi ang daming pinagdaanan sa set. ‘Yung bullying din po kasi na ginagawa namin is very creative, hindi ko na po ii-spoil pero delikado rin po siya and halos ‘di na po kami gumagamit ng double. Lima po kasi silang nambu-bully sa akin e, at mag-isa lang ako,” paliwanag ng aktres.
Ito rin ang dahilan kung bakit nag-aalala rin ang kanyang boyfriend na si Derrick sa tuwing sasalang na siya sa intense na mga eksena.
“So, dumarating na rin po sa point na si Derrick, binabantayan na ako sa monitor na hindi ako maaksidente,” sey ni Elle.
Sey naman ni Derrick tungkol sa kanyang girlfriend, “Sabi ko, isang beses lang na masaktan ‘to pupunta ako sa set at ide-defend ko talaga ‘to kasi ano e, siyempre ‘yung mga artista, kapag heightened ‘yung emotion, totoong sampal, totoo lahat.”
Nauna rito, napaiyak si Elle sa presscon ng “Makiling” matapos mapanood ang full trailer ng kanilang serye last January 5.
“Ang dami ko po kasing in-invest na emotions dito na parang halos araw-araw nabu-bugbog ako. Sobrang proud po ako kasi ang ganda ng kinalabasan. Lahat po, ang galing nila,” umiiyak na pahayag ni Elle sa harap ng press.
“‘Yung feeling po na finally it’s here at mase-share namin sa inyo and I didn’t expect it to be that beautiful. So, I’m just so proud of everyone especially the team behind it,” sey pa ni Elle.
Nagsimula na ang “Makiling” kahapon, January 8, bago mag-“Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA Afternoon Prime.