IYAK nang iyak si Carmina Villarroel habang nagbibigay ng message para sa ika-23 kaarawan ng kanyang anak na si Mavy Legaspi.
Nag-celebrate ng birthday ang kambal na anak nina Carmina at Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy kahapon, January 6, sa programa nila sa GMA 7 na “Sarap ‘Di Ba?”
Pero mas naging emosyonal nga si Carmina sa kanyang birthday message kay Mavy na may konek sa usaping lovelife at pakikipagrelasyon.
Ito’y dahil nga sa isyu ng umano’y kontrobersyal na paghihiwalay nina Mavy at Kyline Alcantara bago matapos ang 2023. Kasabay nito ang pang-ookray sa binata ng mga bashers na tumawag sa kanya ng “ultimate mama’s boy”.
Sey ni Mina, boto naman daw siya sa sinumang manliligaw kay Cassy at liligawan ni Mavy pero sana raw ay “marerespetong tao” ang mga iyon.
Baka Bet Mo: Carmina ‘best blessing’ para kina Mavy at Cassy: A mother’s love is a different kind of love…
“Saka kapag nakita ko na respectful ‘yung tao na ‘yon, ‘yung totoo, ha? Iyong genuine, very sincere, hindi ako naghahanap ng perpekto, pero ‘yung may respeto sa lahat ng tao,” ang sabi ni Carmina.
Kasunod nito, inamin ng aktres at TV host na talagang pinag-isipan niya ang mga sasabihin para kay Mavy dahil baka mahaluan na naman ito ng malisya.
“I’m trying to be careful kasi baka lagyan ng ibig sabihin ang mga sasabihin ko. I don’t want to overthink.
“Tatay and I are just happy that you’re back. You know that I’ve been quiet for the past…how many years? Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang nakikialam ako. But I don’t care because I am your mother.”
“Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So, it only means na hindi ako nakialam. So that’s why I’m so thankful because that you’re back.
Baka Bet Mo: Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy
“And I want you to know, the two of you, that I would do everything and anything para sa inyong dalawa. Hindi ko lang kayang pumatay! But I would really defend you sa abot ng makakaya ko,” sabi pa ni Mina na patuloy na lumuluha.
Pagpapatuloy pa niya, “I love you so much and tandaan n’yo lang na nandito kami ni Tatay para sa inyo. We always want what is best for you, guys. Hindi kami mga kontrabida ng buhay n’yo, kakampi n’yo kami.”
At bilang mga magulang, mas nasasaktan daw sila ni Zoren kapag iniintriga at sinasabihan ng masasama ang kanilang kambal.
“Kasi hindi naman po kami palaaway. Ayaw namin ‘yon. Gusto lang namin ng peace and love sa lahat. So, ‘yon lang, happy birthday, guys. I love you,” aniya pa.
Bago magpaalam ang 2023 ay nabalitang hiwalay na sina Mavy at Kyline Alcantara at kung anu-anong malilisyosong chika ang naglabasan tungkol sa dahilan ng breakup.