BUMUHOS ang iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang isang viral Facebook post na nanghihingi ng advice kaugnay sa nakuha niyang engagement ring.
Nadismaya kasi ang anonymous sender sa kanyang partner dahil ang ibinigay lang na engagement ring sa kanya ay halagang P299.
Ang rason niya, walong taon silang magkarelasyon at bakit hindi man lang daw pinag-ipunan ng guy ang singsing.
Ginawa pa niyang batayan ang halaga ng pagmamahal ni guy sa kanya sa isang singsing.
“DI HAPPY SA ENGAGEMENT RING,” saad sa title ng post.
Baka Bet Mo: John Prats excited na sa pagpapakasal nina Sam at Catriona: ‘Congrats! Sobrang saya ko para sa inyo!’
Kwento ng hindi makilalang soon-to-be bride, “My bf of 8 years just proposed to me. But nagi-guilty ako kasi I am upset due to the fact na the engagement ring only cost P299.”
“Ganito lang ba kababa ang halaga ko sa kanya na hindi man lang pinag-ipunan pambili ng ring? Or ‘di ko ba dapat i-big deal? Am I too immature to feel this way?” pagkukwestyon pa niya.
Chika pa ni ate girl, “Hindi niya alam na nakita ko ‘yung ring binili niya sa shoppee. Ignore ko nalang ba ‘tong nafi-feel ko? Or should I confront him, kaso ayoko din naman masira ‘yung moment [sad face emoji].”
Sa comment section, makikita ang halo-halong reaksyon at may iilan din na nagbigay pa ng advice na dapat pag-usapan nila ito ng kanyang dyowa.
“Talk it out sis… Your emotion towards it is valid… Maybe he has prepared better things than an engagement ring. Communicate.”
“For me, as a high valued woman, an engagement ring signifies how your man value you and how significant you are to him.”
“Don’t focus on the cost of the ring. Iba yung value nyan kasi with Love.”
“Hindi po siguro sa material na bagay nasusukat ang pagmamahal ng isang tao [smiling face emoji] maybe today po hindi pa niya afford ‘yung bonggang ring but soon maybe makaya niya na or sa ibang aspect sya makakapagbigay ng much effort [smiling face emoji].”
Sa tingin niyo mga ka-Bandera, nagma-matter ba talaga ang presyo o halaga ng isang engagement ring?