Robi Domingo, Maiqui Pineda ikinasal na, Melai humirit: Nakahabol din ako!

Robi Domingo, Maiqui Pineda ikinasal na, Melai humirit: Nakahabol din ako!

Robi Domingo at Maiqui Pineda (Photos from Instagram)

NAGPALITAN na ng “I do” ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo at ang longtime girlfriend niyang si Maiqui Pineda.

Mahigit isang taon matapos ang kanilang engagement, ikinasal na ang dalawa sa pamamagitan ng isang private at intimate church ceremony.

Naganap ang kasalan nina Robi at Maiqui sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Ang kaibigan at “Pinoy Big Brother” co-host ni Robi na si Melai Cantiveros ang nag-share ng ilang kaganapan sa naganap na wedding sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

Makikita sa ipinost na video ni Melai si Robi suot ang kanyang Barong Tagalog habang nakaputing wedding gown naman si Maiqui.

“Nakahabol din ako Robsywasbsy … awwwww … Super happy to witness this moment, Robs. We labyu, Rob and Maiqui. Congrats, Mr. and Mrs. Robi and Maiqui Domingo,” ang caption ng TV host-comedienne sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Heart naloka sa birthday at Valentine gift ni Chiz, natagpuan ang matagal nang hinahanap

May sign namang naka-display sa simbahan na nakikiusap sa mga um-attend na bisita na mag-post sana ng photos at videos sa social media pagkatapos ng reception.

“Dear family and friends, welcome to our special day! We kindly ask for your support in preserving the intimacy of the wedding by refraining from posting photos or videos on social media until after the reception.

“Your presence means the world to us so let’s savor the moment together,” ang nakasaad pa sa naturang sign.

Ilan sa mga principal sponsors sa kasal nina Robi at Maiqui ay sina ABS-CBN CEO and President Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes at Star Magic head Laurenti Dyogi, Piolo Pascual, ang mag-asawang Ogie Alacasid at Regine Velasquez, Vicki Belo, and former Vice President Leni Robredo.

Baka Bet Mo: Robi super excited na sa kasal nila ni Maiqui: ‘Nabubuo na namin kung ano ‘yung magiging perfect wedding for us’

Nagsilbing groomsmen naman sina Donny Pangilinan at Darren Espanto habang ang ex-couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang naging candle bearers.

Sa isang panayam pagkatapos ng kanilang engagement, sinabi ni Robi na si Maiqui na talaga ang kanyang “the one.”

“She gives me so much purpose and we have the same goals. We have the same ideologies, and I just can’t stop talking to her. I love conversing with her, especially with ideas,” aniya.

Read more...