‘Young Sheldon’ star Iain Armitage nagpaka-fanboy kay Lea Salonga

‘Young Sheldon’ star Iain Armitage nagpaka-fanboy kay Lea Salonga

PHOTO: Instagram/@iain

SINO sa inyo ang pamilyar at nanonood ng Netflix series na “Young Sheldon?”

Alam niyo ba, idol na idol ng bida ng nasabing serye na si Iain Armitage ang broadway icon at Pinay veteran singer na si Lea Salonga.

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Iain ang kanyang fanboy moment matapos ma-meet nang personal ang batikang musical singer.

Nanood kasi siya ng comeback performance ni Lea sa West End Theater sa London kamakailan lang.

Bukod kay Lea, nakapag-picture din ang young actor sa isa rin niyang hinahangaang American actress and singer na si Bernadette Peters.

“I’m so glad my 2023 included getting to see these two incredible women on stage—two of my very favorites and always have been!!! Thank you for an incredible evening!!!” wika ng “Young Sheldon” star.

Baka Bet Mo: Lea Salonga tuwang-tuwa sa pagbisita ng dating co-star na si Jonathan Pryce

Ang dalawang theater actress ang bumida sa musical na pinamagatang “Stephen Sondheim’s Old Friends.”

Para sa kaalaman ng marami, ang musical play ay ang pagbabalik ni Lea sa West End makalipad ang halos tatlong dekada.

Taong 1996 pa nang huling nagtanghal sa nasabing lugar ang Disney legend sa broadway show na “Les Misérables.”

Pagkatapos ng 16-week run ng “Stephen Sondheim’s Old Friends,” si Lea ay magkakaroon ng tour sa UK na pinamagatang  “Stage, Screen, and Everything in Between.”

Habang si Iain naman ay muling mapapanood sa “Young Sheldon” dahil ilalabas na ang final season nito sa darating na February 15.

Read more...