Kylie Verzosa naging businesswoman na, naglunsad ng shapewear brand

Kylie Verzosa naging businesswoman na, naglunsad ng shapewear brand

PHOTO: Instagram/@kylieverzosa

NGAYONG 2024, excited na inilunsad ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa ang kauna-unahan niyang business venture!

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Kylie ang kanyang negosyo –ang shapewear brand na tinawag na “SOLÁ.”

“Another dream come true!” caption niya kalakip ang selfie picture na ipinapakita ang kanyang produkto habang suot-suot ito.

Sey pa niya, “I can’t wait to share with you my first business and baby, and what my team and I have been working on for the past months.”

Ang goal niya raw rito: “To make everyone feel good and confident in their own bodies.”

Baka Bet Mo: Kylie bilib sa mga sex scenes ni Jake sa pelikula: Gusto ko ring maging katulad niya!

Sa hiwalay na IG post, ipinaliwanag ng 2016 Miss International na ang ibinebenta niyang shapewear ay pwedeng-pwede sa kahit anong hubog ng tao.

“Countless times of testing and wearing it from shoots and day to day, it is developed to fit every style, shape, and curve,” wika niya.

Dagdag pa niya, “I feel that when I’m at my best self, anything is possible, and I want girls and my sisters to feel the same way too.”

Nagpaabot naman ng suporta ang ilang co-celebrities sa bagong venture ng beauty queen na ngayon ay isa nang entrepreneur.

“Congratulations Ky! I’m super proud of you,” lahad ng TV personality na si Tim Yap. 

Komento naman ng TV host na si Raymond Gutierrez, “So dreamy [smiling face with heart eyes emoji].”

Saad ng fellow beauty queen na si Meghan Young, “Congratulations, Ky [fire emojis].”

Recently lamang, bumida si Kylie sa “Penduko,” isa sa 10 official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 kasama ang aktor na si Matteo Guidicelli.

Taong 2022 nang magwagi siya ng “Best Actress” sa Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “The Housemaid.”

Read more...