“IT was an intense year…”
Ganyan ang naging paglalarawan ng TV host-actress na si Kim Chiu sa mga pinagdaanan niya sa taong 2023.
Sa Instagram, ibinandera ni Kim ang isang compilation video na makikita ang mga ganap niya sa buhay sa loob ng isang buong taon.
Mapapanood na kabilang sa masasaya niyang moments ay ang pag-travel, bonding with friends and co-workers, sunod-sunod na proyekto, hosting gigs, pagtanggap ng awards, endorsements, at marami pang iba.
Makikita rin na may ilang bahagi sa video na isinama niya ang ilan sa mga malulungkot na nangyari sa kanyang buhay at kabilang na nga riyan ‘yung na-confine at na-comatose ang kanyang kapatid.
Bukod diyan, may ilang litrato at videos pa nga sila together ng dating partner na si Xian Lim.
Baka Bet Mo: Maxene Magalona huli sa akto, may ‘ka-HHWW’ habang namamasyal sa mall, natagpuan na nga kaya si Mr. Right?
Magugunitang ilang araw bago mag-Pasko, kinumpirma mismo ng aktres sa isang official statement na naghiwalay na sila ni Xian makalipas ang mahigit isang dekada na mag-dyowa.
“So many things can happen in a year, and 2023 was an example for me. 365 days of emotions, up, side, down,” panimula niya sa IG post.
Caption pa niya, “It was an intense year of personal growth. It tested my faith and a lot of learnings, wins and losses. I couldn’t gather all my emotions, which felt overwhelming—so many sentimental moments, breakdowns, and breakthroughs.”
Kasunod niyan ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng mga taong hindi siya iniwan, mga taong nakatrabaho niya, at ‘yung mga naniwala at nagtiwala sa kanya.
Sey niya, “I am thankful for all the amazing people I worked with, perfectly amazing people surrounding me as well and met/gained new friends.”
“I am grateful for all the trust and opportunities given to me. I am thankful for the highs and also grateful for the lows. Life comes by surprise, and it’s up to you how you walk through it,” ani pa niya.
Mensahe pa niya sa lahat, “Life is a test, and all I know is you have to keep walking and moving forward. Stop for a while, cherish every moment, and think about what was. To everyone who supported me along the way, please know that I am deeply thankful, and I appreciate each one of you.”
Baka Bet Mo: Carmina game na game na nakipag-duet kay Darren, pinuri ng netizens: ‘Maganda rin pala ang boses niya’
Sa comment section, marami ang bumilib at humanga sa katatagan ni Kim.
May iilan pa nga ang pumansin na isinama niya sa kanyang memories si Xian at sinabi na talagang nakapag-move on na nga ang aktres.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“No bitterness with Xian. He belongs in the video [happy face with heart eyes emoji].”
“Awww, Kasama pa din si @xianlimm magbalikan na kasi! [redheart emoji] KIMXI FOREVER”
“Ibang klase rin talaga ang nag-iisang Kim Chiu. Very mature na huhu proud of you to the point na pwede naman niyang hindi na isali si Xian pero sinali niya pa rin kasi talaga inacknowledged pa rin niya na she’s still part of past na kanyang chine-cherish.”
“Waah naiyak ako kasama pa din si Xi! Hay hay..pero wishing you happiness and more success and blessings in life!”