ENGAGED na ang aktres at dating member ng grupong Viva Hot Babes na si Katya Santos sa kanyang non-showbiz partner na si Paolo Pilar.
Nag-propose kay Katya si Paolo habang nagbabakasyon sila sa Japan kasama ang kani-kanilang pamilya.
Ibinahagi ni Paolo sa kanyang Instagram account ang ilang litrato na kuha sa naganap na proposal at engagement, kabilang na ang pagluhod niya sa harapan ng aktres sa tapat ng Mt. Fuji sa Lake Ashi, Hakone, Japan.
Makikita naman sa isang photo ang engaged couple kasama ang anak ng dating sexy actress na si Tala sa nasabi ring location.
“20 years ago I met a wonderful woman named Katrina, in the beautiful island of Boracay,” ang bahagi ng caption na isinulat ni Paolo sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Korina kinarir ang superhero-themed birthday party nina Pepe & Pilar: Puro matatanda ang nasa guest list
“Today in 2024, I finally asked her to be my wife with our families, friends, and the majestic Fuji-San as witnesses,” ang mensahe pa ni Paolo.
Sa huli, nagpaabot din siya ng sweet message para sa kanyang fiancée, “I have loved you for 20 years and would continue to do so until my last breath. To forever, my Pungay!”
Bumuhos naman ang mensahe ng pagbati para kay Katya at sa kanyang future husband, kabilang na ang comments ng kanyang mga celebrity friends.
Komento ni Marvin Agustin, “Congrats Pao & Katya.”
“Awww congratulations!” ang pagbati ni Melissa Ricks.
Ilan pa sa mga nag-greet sa aktres ay ang kanyang kaibigan at dating kagrupo sa Viva Hot Babes na si Maui Taylor, Chariz Solomon, Karel Marquez, at iba pa.
Last November, ibinalita ni Katya sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ang pagsailalim niya In Vitro Fertilization (IVF) para mabuntis.
Baka Bet Mo: Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang…
“Helloooooo guys!!!! Na miss ko kayo, sorry hindi ako masyadong active the past few months. Medyo may mga pinagdadaanan lang.
“I’m now currently doing IVF para sa hindi nakakaalam, IVF is In vitro Fertilization in short if nahihirapan ka magka baby IVF is the best option for you and yun po ang ginagawa ko ngayon,” pahayag ng aktres.
Pagpapatuloy niya, “I will share the full story of my journey pag ok na ang lahat. For the meantime please pray for me to have a successful pregnancy.
“Thank you for all your support and love for me. It means a lot. I love you all,” aniya pa.
Ngunit, makalipas lamang ang ilang araw, kinailangang sumailalim ang celebrity mom sa Hysteroscopic Myomectomy surgery matapos madiskubre ng mga doktor na meron siyang dalawang myoma sa kaniyang uterus.
“Thankfully, tapos na po ang aking paghihirap kaya thank you guys for all your prayers and love. I love you all,” ang bahagi ng pahayag ni Katya sa ipinost niyang video sa social media after ng kanyang surgery.