SA wakas may mga sagot na ang mga dating ipinost ni Claudine Barretto na punumpuno siya ng pasa sa iba’t ibang parte ng katawan bukod pa sa paso ng sigarilyo.
At ang itinuturong dahilan ay ang pananakit umano ng estranged husband niyang si Raymart Santiago.
Wala na ang mga nasabing post ng aktres nang i-tsek namin ang kanyang Instagram account habang sinusulat namin ang balitang ito na marahil ay dahil nagsampa na siya ng kaso laban sa ama ng kanyang mga anak.
Si Claudine ay itinuring na “batang kapatid” ni Ms. Vilma Santos-Recto mula nang magkatrabaho sila sa award winning movie na “Anak” noong 2000 mula sa direksyon ni Rory Quintos.
Simula nang magkasama ang dalawang mahusay na aktres ay nagsilbing tagapayo ni Clau si Ate Vi at alam lahat ito ni Luis Manzano.
Nabanggit din ng TV host na ilang beses na ring naisalba ng mommy niya si Claudine bagay na hindi itinanggi ng aktres.
Alam lahat ni Ate Vi ang nangyayari sa buhay ni Claudine kaya ang payo nito ay ipaglaban kung ano ang nararapat sa kanya at tinuruan kung ano ang gagawin.
“Magdemanda ka, ipaglaban mo ang pagiging nanay mo, ipaglaban mo ‘yung pagiging asawa mo, ipaglaban mo lahat ‘yun, kunin mo kung ano ‘yung nawala sa ‘yo!” kuwento ni Clau sa YouTube vlog ni Luis kung ano ang payo sa kanya ni Ate Vi.
Ang unang court case raw niya kay Raymart ay tungkol sa custody at Violence Against Women and Children o VAWC dahil isa siyang battered wife idagdag pa ang pagkakaroon niya ng post traumatic stress disorder o PTSD.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto sa annulment nila ni Raymart Santiago: Siya na ang pinag-file ko
“And then nakiusap ‘yung ex-husband ko na i-drop ‘yung VAWC kasi nga nagkaroon na ng warrant of arrest and nahihirapan ako kasi ayaw ko namang makulong ‘yung tatay ng mga anak ko.
“Pero I never brought up the money issue, so, tapos na ‘yun. Nag-stop na do’n and then hindi na naman siya sumunod sa support (financial obligations), hindi na siya sumunod do’n sa pinramis niya.
“And ngayon we’re going the annulment naman we’re doing into the process kaya lang iyon na naman may custody. How can you ask for custody, Sabina is 19 years old, Santino is 16 years old? So, it’s impossible, nanggugulo lang.
“Sana diretso na lang, annulment na lang and ‘yung properties, ‘yung bahay (katas ng mga number one TV series ng aktres). Ngayon nagkakaproblema sa properties,” pahayag ng aktres.
At kaya rin gustong mabawi ni Claudine ang naipong hundred of millions of pesos ay para s pag-aaral ng mga anak niya dahil si Sabina ay gustong mag-aral sa ibang bansa at si Santino ay sa Brent School.
“Alam naman natin kung gaano kamahal iyon and since hindi naman niya (Raymart) naibibigay ‘yung support na order ng korte at iyon ang sinasabi ng mama (ate Vi) mo na ipaglaban mo,” pahayag pa ni Claudine sa panayam ni Luis sa vlog nito na in-upload nitong Enero 2 at umabot na sa 553,000 views as of this writing.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Claudine, “Ang iniwan sa akin was 25,000 pesos. Sa isang bangko pa lang was, like, P116 million. Isang bangko pa lang yun. And iniwan was P25,000.
“And I don’t know kung kahit and/or ‘yan dapat sinasabihan ka ng bangko, di ba? Ang binalik lang niya sa akin nu’n, during that time, was P7 million.
“We were still together. Kasi nga, kukunin pa niya sa sino yung mga pinagtaguan niya nu’ng perang yun.
“Kasi, ayoko siyang matulad sa parang na, you know, yung tatay ng mga anak ko magnanakaw. Ayoko, ayoko. Kaya hindi ko nilaban yung pera noon.
“But now na lumalaki yung mga anak ko, ta’s kukunin mo yung bahay, yung bahay namin, du’n na, yun na yung sinabi ng lahat ng tao, ‘Okay. Magbi-VAWC na tayo.’ Kukunin ko na kung ano yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo. Sige na.
“It’s ongoing,” sabi ni Claudine. And that’s when, you know, I was really, yun nga yung battling with that, that decision.
“And your mom said na ‘continue working kasi nandiyan na ‘yung mga trabaho mo pero ipaglaban mo, kunin mo kung ano ‘yung para sa ‘yo,'” aniya pa.
Tinanong ni Luis kung ano ang reaksyon ng mga anak ni Claudine tungkol sa legal battle na kinakaharap ng kanilang parents.
“What’s good with my kids, kasi as I’ve said, they tell me everything. Everything talaga. Wala silang tinatago. And I have good…I really have good kids. Yun, I think, doon ako blessed. Doon ako blessed talaga.
“I never had a problem with Sabina. She doesn’t give me problems. Santino never gave me problems also. In-explain ko na, ‘I have to fight for this. Dapat noon ko pa ginawa.’
Baka Bet Mo: Pasabog ni Claudine…karelasyon ni Raymart ‘bad influence’ raw; ayaw ibigay sa kanya ang pinaghirapang bahay
“I asked for their blessing. Kasi actually, ayoko naman talaga sila i-drag dito. Pero yung sa custody part na yan, kailangan nila ulit mag…umupo sa witness stand.
“So, balik na naman tayo, tapos pupunta ulit yung social worker sa bahay, interviewing a 16-year-old and a 19-year-old.
“Pati nga yung social worker na ano sa amin, e, naawa na sa mga bata. So, parang ang point ko, ‘Ah, okay, ano na yung mga anak ko na, mga anak na natin ang tinitira mo? Ang sinasaktan mo? Hindi mo tinatantanan?
“So, yung mother in me, siyempre we protect again. Di ba parang, ‘Ah, iba na to. If I was weak before, ngayon para na akong leon. Do not touch my kids.’
“You’re not giving what’s for my kids. You took away what’s for my kids. So, you have to give it back.
“Kasi nu’ng una, parang I was weak pa, eh. Parang, parang, I couldn’t believe na again, again, ‘Gagawin mo to sa mga anak ko? Parang, ‘Again? Gagawin mo yun?'” sabi ng aktres.
At ang pagkakamali raw ni Claudine ay wala silang prenup ng nakahiwalay na asawa. Inamin ding ito ang pinakamahirap na dinadaanan ng aktres sa buong buhay niya.
“Ang pinakamaling mistake na nagawa ko sa buhay ko is wala akong prenup. Blood, sweat, and tears yun, e. Literal.
“Para sa mga anak ko yun, para ganyan, yun yung pinaka-lowest ko na pinagdaanan, financially,” lahad niya.
Samantala, bukas ang BANDERA sa panig ni Raymart Santiago o ng kampo niya.
Marami nang mga rebelasyong pinakawalan si Claudine laban sa dati niyang karelasyon pero wala kaming matandaan na sinagot ni Raymart in public ang mga akusasyon ng aktres.