CIA with BA sisimulan ang 2024 sa pag-aayos ng parent-child relationship

CIA with BA sisimulan ang 2024 sa pag-aayos ng parent-child relationship

Boy Abunda, Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano

NAKAHANDANG ipagpatuloy ng public service program na “CIA with BA” ngayong 2024 ang mga nasimulan nito sa nagdaang taon.

Sa patuloy na pangununa ng magkapatid na Sen. Alan Peter at Pia Cayetano at ni Boy Abunda, nangangako ang 45th Catholic Mass Media Awards Best Talk Show nominee na magpapatuloy sa pagbibigay ng mga legal na payo, pinansyal na tulong, at kasiyahan sa mas pinaaga nitong timeslot, 11 p.m. tuwing Linggo sa GMA.

Ngayong January 7, sa opening salvo ng programa ngayong taon, tampok ang dalawang kaso na may kinalaman sa mga magulang, kanilang mga anak, at kani-kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sa “Case 2 Face” segment, nagkaroon ng hidwaan ang mag-ina dahil sa kanilang bahay.

Baka Bet Mo: Jane payag ipagpatuloy ang paglipad bilang Darna sa pelikula: ‘Sana makasama ko pa rin sila’

“This is the thing about it. Sa research pa lang namin, we see na nagmamahalan talaga sila e. Nagmamahalan pero hindi talaga magkaintindihan,” pagbabahagi ni Alan.

Sa segment na “Payong Kapatid” naman, tatalakayin ang paghahanap ng anak sa kanyang ina matapos siyang abandonahin sa loob ng 30 taon. Magkakasundo at makakapagsimula kaya silang muli ngayong taon?

Tampok rin sa episode ang dating aktres at ngayo’y pilantropo na si Nanette Medved sa “Salamat” segment.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Read more...