Kris muling nagparamdam sa socmed, bumati sa kasal nina Angelica at Gregg

Kris muling nagparamdam sa socmed, bumati sa kasal nina Angelica at Gregg

Bela Padilla, Angelica Panganiban, Kim Chiu, Kris Aquino at Bimby

MULING nagparamdam ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa madlang pipol matapos ang Christmas at New Year celebration.

Nagkomento ang award-winning TV host-actress sa Instagram post ng kanyang anak-anakan na si Kim Chiu tungkol sa naganap na kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Ikinasal sina Angge at Gregg nitong nagdaang December 31, 2023 sa Amerika kung saan present ang kanyang mga kaibigan na sina Kim at Bela Padilla.

Sa comment section ng IG post ni Kim kung saan makikita nga ang ilang wedding photos nina Angelica at Gregg,  pinuri ni Kris sina Kim at Bela bilang mga BFF ng bride.

Baka Bet Mo: Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama

“Thank you for visiting us. What a beautiful ceremony and how wonderful to have real friends like you and @bela. Best wishes to the Homans,” ang maikling pahayag ng mommy nina Joshua at Bimby.


Matatandaang sa Instagram post ni Kim ay nag-share siya ng madamdaming mensahe para kina Angelica at Gregg kalakip ang mga pictures nilang magkakaibigan sa naganap na wedding.

Baka Bet Mo: Kim never na-imagine na magiging BFF si Angelica: ‘Sa buhay kailangan mo ng kaibigang totoo…wala nang pabulaklak, basta yun na yun!’

“12-31-23 Witnessed a love that is everlasting, love that comes in perfect timing, love that is unconditional, and love that deserves to be felt by one another.

“Congratulations momsy @iamangelicap and @gregg_homan.

“I felt blessed to witness this beautiful ceremony. I can’t miss this! Love you, Momsy Angge!

“Thank you, @gregg_homan for loving our momsy. alagaan mo ang momsy namin forever!

“#ANGBEKI IS EXTRA EXTRA HAPPY!!! Momsy @bela, I am glad to experience this with you!

“Love is patient, love is kind.” 1 Corinthians 13:4,” ang buong caption ni Kim sa kanyang Instagram post.

Read more...