BINARAG nang bonggang-bongga ng social media personality na si Xian Gaza ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera at si Ivana Alawi.
Hindi niya pinaniwalaan ang ginawang prank ni Marian kay Ivana na in-upload sa YouTube channel ng leading lady ni Coco Martin sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.
Ibinandera ni Xian sa kanyang Facebook account na halatang scripted at drama-drama lang ang ginawang content ng dalawang aktres.
Obviously, niloko lang daw nila ang publiko sa paandar nilang prank kung saan nakakuntsaba pa ni Marian ang nakababatang sisteraka ni Ivana na si Mona Alawi.
Baka Bet Mo: #Biktima: John Lloyd, Alex pinagtripan ni Maja, pero hindi umubra ang drama kay Aiko
Ang tinutukoy ng kontrobersyal na socmed personality ay ang pag-iyak ni Ivana nang tarayan at talakan siya ni Marian sa kanilang collab vlog dahil na-late siya sa kanilang appointment.
“Tumanda na kami’t lahat eh napa-prank pa rin si Ivana mga tanga lang maniniwala diyan,” ang simulang post ni Xian sa FB.
Baka Bet Mo: Alex hiyang-hiya sa nakakadiring prank kay Isko: Sorry po, Yorme!
Hirit pa niya, “Alam ko ang kalakaran ng prank content sinetup muna yan with Marian Rivera beforehand kasi win win situation at kailangan din i-promote yung pelikula niya.”
Sey pa ni Xian Gaza sa comment section ng kanyang FB post, ‘yung mga naniniwala sa mga prank kay Ivana ay walang ipinagkaiba sa mga naloko ng kumalat na pekeng art card tungkol kay Skusta Clee na humihingi ng third chance sa dating partner nitong si Zeinab Harake.
“Ang malupit diyan eh naniwala rin sila na si Zeinab talaga ang nagsabi nung rebut mga certified tanga talaga,” mariing sey pa ni Xian.