ISA pang pinagtsitsismisan ng mga kababayang Pinoy sa Amerika ay ang tungkol sa kilalang aktres na matagal nang itinatago ang anak.
Ayon sa aming source, “Ang bongga ng bahay na nabili ni ____ (tatay ng anak) para kay ____ (kilalang aktres) sa kanilang mag-ina, actually.
“Kasi ang lugar ay magandang tirahan talaga dahil tahimik at mababa rin ang crime rate as in. Sabi nga ng mga kababayang Pinoy kapag dumarating ang mag-ina kasama ang pamilya niya ay simple lang naman daw at bumabati naman sa mga nakakasalubong,” sabi ng aming source.
Matagal nang natsi-chism na may anak ang kilalang aktres pero walang makapagturo kung nasaan ang bata at finally nakita na ito ng mga kababayan natin sa ibang bansa.
Baka Bet Mo: Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!
“Actually, nakakasama naman ni ____ (kilalang aktres) ang anak niya, kaya lang hindi niya inaamin, basta sama-sama lang si bagets sa pamamasyal at pagsa-shopping nila,” sabi pa.
Sa kasalukuyan ay hiwalay na raw ang kilalang aktres at ama ng anak niya dahil may hiling daw ang una na hindi maibigay ng tatay ng bata.
Pero maayos daw ang dalawa at co-parenting sila sa anak nila at higit sa lahat, hindi nagpapabaya sa sustento ang ama ng bata.
Sa tantiya namin ay nasa apat o limang taon na ang bagets at hindi na namin tutukuyin ang kasarian ng bata.
Sabi ng aming source, “Sana ‘no, sa rami ng blessings niya ngayon, kelan kaya niya ipapakilala ang anak sa publiko?”
“Itinanggi ba ni ____ (kialalang aktres) na may anak siya?” tanong namin sa aming source.
“Natanong siya dati, natawa lang,” sambit ng kausap namin.