IBINANDERA ng TV host-comedian na si Joey de Leon ang kanyang “alay” para sa lahat ng TV station na naging tahanan ng “Eat Bulaga.”
Ito ay ang kanyang first painting ngayong 2024 kung saan mababasa ang mga katagang “Eat Bulaga” at “Count on me” na may signature pa niya.
Ibinahagi ni Joey ang naturang painting sa kanyang Instagram account, ang una ay hindi pa masyadong tapos at pangalawa ay ang halos patapos nang version nito.
Sey ng tinaguriang Henyo Master, iniaalay daw niya ang nasabing painting sa lahat ng TV station kung saan napanood ang kanilang longest-running noontime show sa Pilipinas.
“This painting is dedicated to all the TV stations we’ve been to, E for 9, A for 2, T for 7 and B for 5.
“Thank you not only for the ‘New Years’ but for ALL the years we’ve shared! All the best for us in 2024!” ang caption ni Joey sa una niyang IG post.
Sumunod nga rito ang litrato ng kanyang painting na halos kumpleto na ang laman.
Baka Bet Mo: Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…
“Almost finished! My first painting for 2024, ‘Count on Me’. Thank YOU for all the graces and blessings. We always count on You!” mensahe ng beteranong komedyante.
Super react naman ang mga netizens Instagram post ni Joey.
“9 2 7 and 5 = past and present home of EAT BULAGA. 9 as E , 2 as A, 7 as T and 5 as B.”
“Ang galing! Yong 927 mga stations na pinanggalingan nila tamang-tama sa salitang EAT dahil sakto ang pagkakasunod 9-2-7, at ang B sa BULAGA ay naging 5 kung saan ay nandoon sila ngayon. Isa ka talagang Henyo @angpoetnyo Hindi yan kayang isipin ng mga taga FAKE BULAGA dahil wala naman silang mga utak, title nga hindi maka isip, hirap na hirap sila.”
“Nice painting fo the start of 2024…tatak Henyo Master yan.”
“THE REAL GENIUS WALANG TATALO SA TVJ THE LIVING LEGENDS.”
“Happy New Year po sir Joey sana this 2024 gamitin nyo na Yung EAT Bulaga title na kayo naman talaga Ang lumikha at tunay na nagmamay ari.more power to EAT Bulaga TV5 at sa Legit dabarkads solid forever po kami.”
Baka Bet Mo: Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob
“Galing channel 9,2,7 tapos 5 nice henyo master.”
“Iba talaga kulot ng utak mo sir. HAPPY NEW YEAR HENYO MASTER!”
“Waiting for your love noontime today woohoo!!! Legit dabarkads kami since baby pa po ako 1982 haha.”
“Happy New Year po sir Joey sana this 2024 gamitin nyo na Yung EAT Bulaga title na kayo naman talaga Ang lumikha at tunay na nagmamay ari.more power to EAT Bulaga TV5 at sa Legit dabarkads solid forever kami.”
Kung matatandaan, bago matapos ang 2023, ipinawalang-bisa ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong “Eat Bulaga.”
Nauna rito, naglabas pa ng resibo ang TAPE na sila ang unang nagpa-renew ng “Eat Bulaga” trademark sa IPOPHIL bago pa maghain ng reklamo sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon o TVJ hinggil sa paggamit ng “Eat Bulaga” trademark.
Sa ngayon, umeere pa rin ang “Eat Bulaga” sa GMA 7 na pinangungunahan nina Isko Moreno, Buboy Villar, Paolo Contis at iba pang Kapuso artists.
Pero matapos lumabas ang resolution ng IPOPHIL, binabanggit na rin ng TVJ at iba pang Dabarkads ang “Eat Bulaga” sa kanilang show na “E.A.T.” sa TV5.