NASA kritikal na kondisyon ngayon ang nanay ng singer-actress na si Tippy Dos Santos matapos maaksidente sa Seoul, South Korea.
Ibinahagi ni Tippy sa kanyang Instagram account ang detalye ng kinasangkutang vehicular accident ng kanyang mga magulang nitong nagdaang Miyerkules, December 27.
Nagbabakasyon ang kanilang pamilya sa South Korea nang maganap ang aksidente. Ani Tippy, nagpapagaling ang kanyang amang si John Dos Santos magtamo ng ilang sugat sa katawan.
Ang nanay naman niyang si Happy Esquivas Dos Santos ay nasa kritikal na kondisyon sa Intensive Care Unit (ICU) sa isang ospital sa South Korea.
“PRAYERS FOR HAPPY ESQUIVIAS-DOS SANTOS. On Wednesday, 27 December, upon their arrival in Seoul for a short holiday, HAPPY and JOHN figured in a horrific vehicular accident,” simulang pagbabahagi ni Tippy tungkol sa nangyari.
“While John is currently recovering from his injuries, HAPPY is now in a coma and fighting for her life. She is at the ICU of a Korean hospital,” aniya pa.
Humiling din ang kanyang pamilya ng panalangin mula sa publiko para sa agarang paggaling ng mga magulang, lalo na para sa inang matinding napuruhan sa aksidente.
Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos natupad na ang pangarap, graduate na sa law school
“We are calling on everyone to please offer prayers that the Lord will grant HAPPY healing and recovery.
“We believe in the powers of collective prayers and look forward to all our friends and loved ones joining us in this petition,” pakiusap pa ni Tippy kalakip ang ilang bible verses tungkol sa prayers at healing.
Narito ang ilang mensahe mula sa ilang celebrity friends ng singer para sa kanyang mga magulang.
Baka Bet Mo: Anak ni Super Tekla, wala na sa kritikal na lagay matapos magpositibo sa COVID-19
“Praying for Tita Happy and your family @tippydossantos8,” ang pahayag ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto.
“Thinking of all of you and praying hard for Tita and Tito. love you Tips, and sending big hugs,” ang message naman ng actress-singer at host na si Kayla Rivera.
Comment ng aktres at singer ding si Nikki Gil, “Praying for Tita Happy’s healing! complete recovery in Jesus’ name!”
Ilan pa sa nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta sa pamilya ni Tippy ay sina Dominic Roque, TJ Monterde, Sue Ramirez, Cai Cortez, Ynna Asistio, Ivan Dorschner, Sitti Navarro at Dianne Medina.