Christmas greeting ni Dennis dinedma-dedma lang nina Julia, Claudia at Leon

Christmas greeting ni Dennis dinedma-dedma lang nina Julia, Claudia at Leon

Dennis Padilla,Julia, Claudia at Leon Barretto

HINDING-HINDI titigil ang veteran comedian na si Dennis Padilla sa panunuyo at pagbati sa kanyang mga anak sa mahahalagang okasyon.

Nitong nagdaang Pasko ay hindi  nakalimutan ni Dennis na bumati sa mga anak niya kay Marjorie Barretto para ipaabot sa mga ito ang kanyang pagmamahal.

Pero wala pa ring sumagot sa komedyante kaya naman muli siyang nag-post sa kanyang social media account ng holiday greeting pero isa-isa na niyang binati ang mga ito at naka-tag pa sa kanila.


Sa kanyang Instagram posts, nagbahagi si Dennis ng mensahe para kina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Ang message niya kay Leon, “Merry Christmas my son… Miss you!! God bless you more Leon Marcux.”

Pagbati naman niya kay Claudia, “Dear Claui… Merry Christmas anak… Hope we can talk soon… Miss you.”

Baka Bet Mo: Xian Lim kay Kim Chiu: No one knows more about our relationship than you and I

Para kay Julia, “Dear Juy… Merry Christmas and more blessings to 2024…love you.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pa ring reply sina Julia sa pagbati ng kanilang ama, ibig sabihin hanggang ngayon ay hindi pa rin nila gustong kausapin at pansinin ang veteran comedian.


Sabi ng ilang netizens, naniniwala sila na may malalim na dahilan ang kanyang mga anak kung bakit until now ay dinededma pa rin siya ng mga ito. Mukhang hindi lang daw basta tampo ang nararamdaman nina Julia sa kanya.

Maramin naman ang nag-advice kay Dennis na puntahan at kausapin na lamang niya nang personal ang mga anak at huwag nang mag-post sa social media na maaaring pagsimulan ng bashing.

Narito ang ilan comments na nabasa namin sa IG post ni Dennis.

“Nakakatuwa po kitang-kita po talaga sa inyo na proud na proud po kayo at mahal na mahal n’yo po mga anak n’yo. God bless po may the Lord grant your wishes po na makasama na sila.”

“Naku diosko. kalimutan mo na yang mga anak mo kay Marjorie…lalo kalang masasaktan nyan.”

Baka Bet Mo: Dennis Padilla kay Dani Barretto: You are a very good mother and wife!

“Grabeh nmang tigas ng puso ng mga batang to!…nkakalungkot lng na pinapakita nila sa tao kung anong ugali meron cla dapat ang artista ay mging mgandang halimbawa sa mga fans nila!!! God Bless U dennis sna mkamit mo n next year ang pgmamahal n inaasam asam mo sa mga anak mo!”

“Kng mabuti tatay ka cgro ka bka di ka makalimutan at di ka matiis.”


“Saludo ako sa wlang sawang pag reach out mo sa mga anak mo kahit binabale wla ka nila..Naintindihan kita kase magulang ka pero wla ka magagawa dyan sila hinubog ng ambisyosang ina nila. Darating pa din naman ang araw na hahanapin ka din nila example nlng yong nangyari kay Jackie Foster at mga anak nya nagka ayos din sila.”

“Hinde pa kasi nila narerelize…kng ndi dahil syo wala sila dito sa mundo. period!”

“Nasa Nanay rin talaga kasi ‘yan kung paano palakihin ang anak kita mo si Faith Da Silva, mahal na mahal n’ya ama kahit na di man lang sila nagkasama at nakakuulong pa ito makikita mo kung paano s’ya pinalaki ng nanay n’ya ng may mabuting puso.”

“Talk to your kids PERSONALLY and PRIVATELY. Yun lang naman ang hinihingi ng mga anak n’ya. Don’t bring your family issues in social media. Deal with them. Nasa Pilipinas naman kayo lahat.”

Read more...