Alden Richards na-miss ang namayapang ina sa isang eksena sa ‘Family of Two’

Alden Richards na-miss ang namayapang ina sa isang eksena sa 'Family of Two'

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02

KAHIT mismo ang binansagang Pambansang Bae na si Alden Richards, relate na relate sa pinagbidahang pelikula na “Family of Two.”

Sa Instagram, ibinandera ni Alden ang isang eksena nila ni Megastar Sharon Cuneta at inihayag ang kanyang pagka-miss sa namayapang ina.

“More than a decade na since I lost my mom… I wish she’s still here para mas maparamdam ko pa na mahal na mahal ko siya,” sey ng aktor.

Kasabay rin niyan ay nagbigay siya ng payo sa publiko, “If you still have your parents with you, you are so blessed.”

“Iparamdam mo sa kanila ang pagmamahal mo while you still can,” ani niya.

Kasunod niyan ay bigla niyang naisingit ang pag-promote ng pelikula nila ni Sharon.

“Isama niyo na sila sa sinehan and watch ‘Family of Two.’ Make them feel loved,” caption ng aktor.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla insecure, selos na selos daw kay Alden Richards?

Sa comment section, mababasa ang ilang netizens na nakanood na ng nasabing pelikula.

May ilan pa nga ang nag-agree sa sinabi ni Alden at naka-relate din sa mga eksena na ipinalabas.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“This Scene made me Cry [red heart emoji] Napa-call ako sa Nanay ko dahil sa Movie na ‘to!”

“Dito talaga ako umiyak ng sobra sobra! It’s like watching a film na kwento namin ni Mama. Salamat, Alden and Sharon for this film!”

Baka Bet Mo: Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?

“Miss my nanay… She is an avid fan of you Alden but lost her 2022 [crying emojis]”

“Juicekolourd! Walang tigil ang luha ko sa pagpatak. I don’t have a mom anymore. Kaya ramdam ko yung pelikula niyo.”

Kasalukuyang ipinapalabas sa mga lokal na sinehan ang “Family of Two” na bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF 2023).

Ang pelikula ay nagwagi ng “Best Supporting Actress” para sa mahusay na pagganap ni Miles Ocampo.

Ang drama film ay tungkol sa pagmamahal ng isang single mother sa kanyang anak at ang pagtulong ng anak na mahanap ang bagong pag-ibig ng kanyang ina.

Read more...