NAGKASUNDO ang magka-loveteam at rumored couple na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix na hindi muna magsososyo sa anumang uri ng negosyo.
In fairness, bongga pala itong si Ysabel dahil sa batang edad ay nakapagpundar na siya ng mga negosyo mula sa mga kinita niya sa pag-aartista.
Bukod sa nabiling branch o franchise ng sikat na chain of nail spa and salon, nakapagpatayo na rin siya katuwang ang inang dating aktres na si Michelle Ortega ng bakery.
Kahit na nga super busy sa kanyang showbiz career, kinakarir din ni Ysabel ang pagiging entrepreneur dahil ito raw talaga ang pangarap niya noon pa.
“Actually nag-start yung year na ito na nasa law school ako. Iyon yung goal ko talaga, maging abogada ever since bata pa lang ako, iyon yung pangarap ko.
“Kaso na-realize ko na mahirap siya talaga i-juggle with showbiz. Kasi akala ko since nai-juggle ko naman yung college ko, baka it’s the same thing.
Baka Bet Mo: Miguel sa bagong leading lady: Exciting para sa akin ang loveteam na ‘to kasi si Ysabel ang kasama ko
“Pero mahirap po talaga siya, it’s no joke. And ang taas po ng respeto ko sa mga naglo-law school,” kuwento ni Ysabel nang makachikahan namin sa grand presscon ng pelikula nilang “Firefly” na nanalong best picture sa Metro Manila Film Festival 2023.
Patuloy pa niya, “So naisip ko na mag-stop muna ako pero gusto ko pa rin ng something na ginagawa na maggu-grow din ako.
“So du’n ako nag-decide na sige nga, try ko nga mag-business. Which never ko in-expect kasi hindi ko po talaga gusto maging negosyante or businesswoman.
“Pero nae-enjoy ko po siya, nagugustuhan ko po siya. So go with the flow lang po talaga ako, siyempre gusto ko pa rin ng something na out of showbiz,” sey pa ng Kapuso star.
Katabi ni Ysabel si Miguel habang chinchika namin ng aming friend and colleague na si Rommel Gonzales kaya natanong siya kung may plano ba silang magsosyo sa negosyo.
Wala raw, dahil baka maging dahilan at pagsimulan pa raw iyon ng kanilang away at hindi pagkakaintindihan.
“Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kapag may ka-partner ka sa negosyo,” sey ni Miguel.
“Though confident naman kami na hindi kami mag-aaway dahil hindi naman malaking problema sa amin ang pera, pero huwag na, huwag na,” natatawa pang pahayag ng aktor.
“Enough na, na magkatrabaho kami sa showbiz,” singit naman ni Ysabel.
At siyempre, super thankful ang Kapuso loveteam ngayon matapos itanghal ang “Firefly” na Best Picture sa MMFF 2023 Gabi ng Parangal kamakalawa ng gabi.
Ang “Firefly” ay mula sa GMA Pictures at GMA Public Affairs, sa panulat ni Angeli Atienza at sa direksyon ni Zig Dulay. Kasama rin sa movie sina Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Max Collins, Kokoy de Santos, Epy Quizon at Dingdong Dantes.