Ivana naiyak nang tarayan ni Marian: Wala nang next time, last mo na ‘to!

Ivana naiyak nang tarayan ni Marian: Wala nang next time, last mo na 'to!

Marian Rivera at Ivana Alawi

GRABE ang iyak ni Ivana Alawi matapos mabiktima ng ginawang prank ni Marian Rivera kung saan kakuntsaba ang kanyang kapatid na si Mona Alawi.

Nagtagumpay ang Kapuso Primetime Queen sa naisip nilang prank kay Ivana na napapanood ngayon sa latest YouTube vlog ng Kapamilya sexy star.

Ang usapan ay sasabak sa bonggang mukbang sina Marian at Ivana habang magtatanong naman sa kanila si Mona ng mga personal and controversial questions.


Sa simula ng vlog, ibinandera ni Ivana sa madlang pipol kung gaano katindi ang paghanga niya kay Marian na kanyang ipinakilala bilang, “Pinakamaganda at pinaka-idol ko, Ms. Marian Rivera!”

Pahayag naman ng wifey ni Dingdong Dantes, “Bihirang-bihira ako tumanggap ng nag-iinterview sa akin na ginagawa dito sa bahay, isa ka du’n sa nag-yes ako. Oh, di ba?”

Baka Bet Mo: Nakakakilabot ang nangyari kay Mona Alawi: Hindi ko pa oras, hindi pa pwede…

Natanong ang dalawa kung anong part ng kanilang buhay ang gusto nilang i-“rewind” kung mabibigayan ng chance. Sagot ni Marian, nais niyang balikan ang  panahong maliliit pa ang mga anak niyang sina Zia at Sixto.

“Hindi naman sa ayaw kong malaki na sila pero ang sarap kasi nu’ng mga maliliit pa sila na wala silang inaasahan kundi si Mama at Dada lang, na nandiyan lang sila sa bahay.

“Siyempre ngayon pumapasok na sa school,” lahad ni Marian.

Sa isang bahagi naman ng video, “sinita” ni Marian ang pagiging late ni Ivana nang gawin nila ang vlog. Natanong kasi ni Mona si Ivana kung may chance bang magkasama sila ni Marian sa isang project.

“Ay, ‘Day, baka di ko pa call time nandoon na ako,” ang sabi ni Ivana. Pero humirit si Marian sa kanya ng, “Ba’t late ka kanina?”

Kitang-kita na parang natulala si Ivana sa tanong ni Marian. Patuloy pa ng Kapuso actress, “Alam mo bang ayaw na ayaw ko ng late. Kanina sabi ko kay Paolo, ‘Paolo, ano na? Bakit ang tagal?’ Bakit ka late?”

“Ayaw ko na ngang gawin ‘to, e. Ayan, pinaalala mo. Naku, hate ko pa naman ‘yan,” sey pa ni Marian.

Sagot naman ni Ivana, “Hindi po, next time po maaga ako.”

“Wala nang next time. Last mo na ‘to,” ang seryosong sabi ni Marian kasabay ng paalala na hindi raw magandang ugali ng isang artista ang pagiging late.

Napagdiskitahan din ni Marian ang food na inihanda sa kanya ni Ivana, “Tapos ito lang handa mo sa akin? Crab lang?”

Baka Bet Mo: Ivana ‘bumili’ ng luxury car sa halagang P11.5-M, ina galit na galit: Pwede n’yo pang isauli yan!

Pero sa ending ay ni-reveal din nina Marian at Mona na, “It’s a prank!”


Kuwento ni Mona, kinausap daw muna niya si Marian sa pamamagitan ng video call at sinabihang pagalitan at tarayan niya si Ivana.

“Ang alam po ni Ate is magmumukbang lang po kayo. ‘Yun po kasi ‘yung usually na ginagawa niya. Pero sungitan mo po sana siya,” ani Mona.

“Anong level ‘yung gusto mo?” ang tanong naman ni Marian.

“’Yung level po sana na maiiyak si ate,” tugon ni Mona.

At yun na nga, napaiyak ni Marian si Ivana. “Wala na, wala na tatalo sa prank na ‘to, ‘yung pinrank ka ng idol mo!” ang lumuluhang sabi ni Ivana.

Read more...