SA libingan nagdiwang ng Pasko ang pamilya ng Kapuso actress at “Pepito Manaloto” star na si Janna Dominguez.
Nagsama-sama muli nitong nagdaang Christmas Day ang family nina Janna sa puntod ng yumao niyang stepdaughter na si Yzabel Ablan.
Si Yzabel ang anak ng kanyang partner ngayong si Mickey Ablan sa una nitong karelasyon na pumanaw noong October 7 sa edad na 20. Ikinabigla nina Janna ang biglaang pagkamatay ng dalaga.
“For those who are asking, Our Daughter Passed awaybecause of a sudden heart failure and lung infection.
“Sa sobrang ayaw nya nakaka abala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya. Nag pa check up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nlang ganon.
“She was at her condo in manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time. Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng manila.
“Pero wala after multiple attempts to revive here wala na tlag. God called her back home na.. We Love you our Chabelits so much,” ang mensahe ni Janna sa kanyang social media post tungkol sa pagpanaw ni Yzabel.
Baka Bet Mo: ‘Pepito Manaloto’ star Janna Dominguez umamin: Hindi kami OK ng tatay ko, may samaan kami ng loob
Sa kanyang Instagram post naman kahapon, ibinahagi nga ng Kapuso comedienne ang pagbisita at pagsasama-sama nilang mag-anak sa mausoleum ni Yzabel.
Ang mensaheng inilagay niya sa caption, “Merry Christmas in heaven my love Yzabel Ablan. We all miss and love you so much! Please tell Jesus; Happy birthday.”
Matatandaang sa mismong araw ng pagkamatay ni Yzabel ay ipinanganak naman ni Janna ang baby boy nila ni Mickey na si Michael Zab Leon Ablan III.
Tila sinisisi naman ni Mickey ang sarili sa biglaang pagpanaw ng anak. Sabi niya sa isang Facebook post, “If only you told me ganon kalala breathing attack mo (your breathing attack was that severe) the night before you passed away Ate Yzabel Ablan, maybe the outcome would have been different. Why tell your friends lang?
“You should have told me. Ako ‘yung andon (I was there) that night you had your first breathing attack. I should have brought you agad sa hospital that Friday night. I should have been more diligent,” dagdag pa niya.