33 youngstars patalbugan sa ‘Road to Starkada’, Eric Quizon feeling ‘tatay’
MUKHANG promising naman ang mga aspiring artists na ipinakilala ng NET25 para sa kanilang daily talent-reality show na “Road to Starkada“.
Napapanood ito mula Monday hanggang Friday, 5:30 p.m. kung saan magpapatalbugan sa kanilang mga angking talento ang 33 young talents na una nang sumailalim sa iba’t ibang workshop sa loob ng ilang buwan.
Mapapanood sa reality show na ito ang mga aspiring teen stars na magpapakitang-gilas sa publiko with their talents in acting, dancing, voice skills, makeup, and many more.
Ang 33 showbiz hopefuls ng “Road to Starkada” ay sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Chelsea Bon, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Enrico Cruz, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick at Juan Atienza.
Baka Bet Mo: Eric Quizon feeling ‘instant tatay’ sa 32 miyembro ng Starkada talent center ng NET25
Nandiyan din sina Kanishia Santos, Marco Ramos, Migs Rubia, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Gilbert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.
Ibinandera ng Star Center Artist Management head ng NET25 na si Eric Quizon ang kanilang mga talents sa naganap na virtual mediacon para sa naturang reality talent show.
Feeling “tatay” nga si Eric habang ipinagmalalaki ang mga napili nilang mga bagong youngstars na ite-train nila para mas maging ready and prepared sila sa pagpasok sa tunay na mundo ng showbiz.
View this post on Instagram
“In the beginning kasi, when we auditioned them, nu’ng natanggap sila at napili sila, we really pushed for them to do workshops, at ma-train sila in all other aspects like speech, music, dance.
“Kasi gusto naming ma-prepare sila or ma-hone yung craft nila or mas mapagaling pa yung talents nila. So pinush naman yan.
Baka Bet Mo: Payo ni Maris sa mga aspiring content creator: Wag maging nega, gawin mo kung ano ang gusto mo
“And then, sabi ko, I have this mindset na baka later on magamit itong mga pinaggagawa namin na mga workshop. So I had everything documented. And then I proposed na magkaroon ng parang reality show na based on their journey” pahayag ng actor-director.
Aniya pa, sasailalim sa weekly challenges ang mga contestants with help of their coaches. Hahataw din sila sa mga live shows at mall/campus tour.
“Mahirap manghiram ng artista. Mas magandang mayroon tayong sariling atin. So ito na nga yung kumbaga parang pinropose ko na parang reality show na prior to magkaroon sila talaga ng show kasi this is one way of introducing them e. Kaya I suggested to have a show on Starkada journey and ito na nga yun.
“We have so much material and gusto naming makita yung progress nila from how they started, from when they auditioned up to now na meron na nga silang sariling show.
“Apart from that also, siyempre nu’ng nagka-green light na nga yung show, siyempre inisipan na din namin ng mga iba pang activity para mapakita natin yung human side naman naman ng ating Starkada.
“So diyan nag-evolve yung Road to Starkada. After this, magkakaroon sila ng ibang show and this time to showcase further their real talents,” kuwento pa ni Eric.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.