Alden naarburan ng shades worth P70k habang nasa MMFF 2023 parade

Alden naarburan ng shades worth P70k habang nasa MMFF 2023 parade

Alden Richards at Enchong Dee

SA hindi inaasahang pagkakataon, isang empleyado ng gobyerno ang nakakuha sa mamahaling shades ni Alden Richards.

Ayon sa nabasa namin sa social media, nagkakahalaga raw ng P70,000 ang pag-aaring shades ng Asia’s Multimedia Star na naarbor sa kanya habang nagaganap ang Metro Manila Film Festival 2023 Parade of Stars.

Ang maswerteng nakakuha raw ng salamin ni Alden ay isang enforcer mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.

Ilang mga tauhan at staff ng MDRRMC kasi ang tumulong sa pagbabantay sa seguridad at proteksyon ng mga artistang nakilahok sa parada.

Baka Bet Mo: Vice Ganda gumawa na naman ng kasaysayan bilang unang Pinoy celebrity na nakakuha ng 15 million followers sa Twitter

Kuwento sa amin ng isang source, habang nasa float daw si Alden ng entry nila ni Sharon Cuneta sa MMFF na “Family of Two” at binabaybay ang C4 Riad sa Tañong, Malabon City, ay inarbor ng naturang enforcer ang kanyang shades.


Nakita raw kasi nito ang nakasabit na salamin sa t-shirt ni Alden kaya hiningi niya ito sa aktor. Pero ang sey daw ng binata, nag-iisa lang daw yun kaya nagdalawang-isip siyang ibigay.

Baka Bet Mo: Viy Cortez ipinahanap ang rider na lumuhod sa traffic enforcer para magbigay tulong

Ngunit habang papalayo na raw ang float ng “Family of Two” at bigla raw inihagis ni Alden sa nasabing MDRRMC enforcer ang pag-aari niyang Ray Ban shades na nagkakagalaga nga raw ng mahigit P70,000.

Kaya naman nagtatalon at nagsisigaw ang enforcer nang makuha ang shades ni Alden at mabilis itong isinuot.

Samantala, pinarangalan naman si Alden bilang Male Celebrity of the Year sa 2023 TAG Awards Chicago.

Ayon sa Facebook post ng TAG Media Chicago, “TAG Awards Chicago 2023… Alden Richards, Tag Male Celebrity of the Year (Philippines).

“Congratulations! The Filipino-American community is very proud of you. May you continue to inspire others, and keep blessing the world with your core gift,” ang nakasaad pa sa nasabing FB post.

Read more...