TULOY na tuloy na ang muling pagsasama ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa pelikula sa darating na 2024!
Ito ang kinumpirma ng Viva Entertainment sa ginanap na mediacon recently kung saan ibinandera ang mga susunod nilang pasabog sa susunod na taon.
Isa na nga rito ang gagawing pelikula nina Sarah at Matteo na nakatakdang ipalabas sa June, 2024. Ito ay ang remake ng hit Korean movie na “Wonderful Nightmare.”
Ang naturang Korean romcom film ay pinagbidahan ng mga K-drama stars na sina Uhm Jung-hwa at Song Seung-heon na bibigyang-buhay uli sa big screen ng AshMatt.
Sa huling panayam namin kay Matteo, natanong namin siya kung posible bang gumawa sila ng project together next year. Aniya, looking forward din siya sa pagtatambal nila ng asawa sa pelikula o teleserye.
Baka Bet Mo: Matteo sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah: ‘I just wish one day everything will be OK’
Kung may magandang material at sasakto sa schedule nila ni Sarah, bakit daw hindi kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng fans nila ng asawa na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanila.
Bukod dito, siguradong ikatutuwa rin ng mga Popsters ang bagong good news na ibinandera ng Viva Entertainment! Yes! Sa 2024 din nakatakdang gawin ni Sarah ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz.
Muling magpapakilig ang AshLloyd tandem sa pelikulang “Safe Space” na ipalalabas sa August, 2024. Ngunit wala pang inilabas ang Viva Films kung anong eksaktong genre ito at kung sinu-sino ang kanilang makakasama.
Baka Bet Mo: Sarah Geronimo graduate na sa culinary school, Matteo super proud
Pero ang mahalaga, may go signal na ang mga bossing ng Viva, kabilang na s Vic del Rosario, na simulan na ang pre-production ng “Wonderful Nightmare” at “Safe Space.”
Unang nagsama sina John Lloyd at Sarah sa blockbuster romance film na “A Very Special Love” noong 2008 na nagkaroon pa ng dalawang sequel, ang “You Changed My Life” noong 2009 at It Takes A Man and A Woman na ipinalabas last 2013.
Ang huling project nila together ay ang “Finally Found Someone” noong 2017.
Isa lang ang nagawang pelikula nina Matteo at Sarah, ang “Catch Me, I’m In Love” ng Star Cinema na ipinalabas noong 2011.
Grabe ang Viva Films, no! Talagang consistent sila sa paggawa ng mga pelikulang makabuluhan at de-kalidad sa loob ng mahigit apat na dekada.