HINDI napigilan ng beauty queen-actress na si Herlene Budol ang maluha nang surpresahin siya ng kanyang mga masugid na tagasuporta.
Sa kanyang Facebook post noong Biyernes, December 23, emosyonal na nagpasalamat ang dalaga sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“Yung apat na taon na solid Patlene lover nationwide fans ko sa Wowowin days na hanggang ngayon andyan sila para sa akin at take note po nag likom likom sila para makita lang ako,” pagbabahagi ni Herlene.
Pagpapatuloy niya, “Sobrang nakakataba ng puso kht mga Senior sila at malalayo ay nag effort para bumyahe sa Manila at sinurpresa ako.”
Labis raw na naa-appreciate ni Herlene ang pangangamusta ng mga nanay sa kanya palo na sa kasalukuyang komtrobersya na kinasasangkutan.
Matatandaang bago matapos ang taon ay humabol pa ang aktres sa mga pinag-usapang artista ngayong taon matapos mag-leak ang screenshots ng kanilang usapan ng leading man sa seryeng “Magandang Dilag” na si Rob Gomez.
Baka Bet Mo: Herlene Budol: Squammy man ako sa paningin nyo, hindi ako hayok sa laman
“Salamat mga nanay. Yung sinpleng pangangamusta sa sitwasyon ko ay sobrang priceless po. Ang pagmamahal at supporta na ibinigay nyo sa akin na ‘Herlene andto lang kami dito para sayo’. indi ko mapigilan umiyak.
“Dahil thru thick & thin andyan po kayo.Mahal na Mahal ko po kayong lahat,” aniya.
Nagpasalamat rin si Herlene sa kanyang dating talent manager na si Wilbert Tolentino na present rin sa naturang surprise.
Merry Xmas po mga Nanay at sa lahat nag mamahal at supporta sa akin,” pagbati pa ng dalaga.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang nag-comment hinggil sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Herlene.
“Basta kain lang ng kain. Hanggang sa mabilaukan ka sa sobrang gutom. Charot! Merry Christmas,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Ang hirap talaga tumakas pag may resibo.”