NAGISING kami sa mga tawag at mensahe mula sa mga kasamahan sa trabaho at non-showbiz friends dahil nakita raw nila ang post ng isang blog na may art cart ng lahat ng pelikulang kasama sa Metro Manila Film Festival 2023 at kung magkano ang kinita sa unang araw ng pagpapalabas nito.
Base sa post ng nasabing blog ay:
- Rewind – P110M
- Mallari – P31M
- Penduko – P25M
- A Family of Two – P12.5M
- Firefly – P11.1M
- When I Met You in Tokyo – P10.1M
- Kampon – P5M
- Becky and Badette – P3.3M
- Gomburza – P1.4M
- Broken Hearts Trip – P680,000
Baka Bet Mo: Vince Tañada ipangtutulong ang kinita ng ‘Katips’ sa nasalanta ng bagyong Paeng
Kaagad kaming nag-imbestiga at isang malaking FAKE NEWS ang ikinakalat ng blog site na ito.
Sa pagkakaalam namin ay wala pa sa history ng Metro Manila Film Festival o kahit hindi festival na kumita ng lampas P100M ang isang pelikula sa unang araw ng pagpapalabas nito.
Kahit nga ‘yung kainitan ni Vice Ganda ay hindi rin siya kumita ng isang daang milyon piso sa unang araw, ‘yung “The Mall, The Merrier” noong 2019 ay tatlong araw ang inabot bago tumuntong ng P100M. ‘Yung “Fantastica” niya noong 2018 at naka-dalawang araw bago kumabig ng isang daang milyon.
Ang “Hello Love Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na nanatiling may hawak ng record sa box-office na almost 1 billion ay nakakuha lang ng P34M sa unang araw.
Kaya saan nakuha ng blog site na ito ang figures na pinagkakalat niya? Mind conditioning ba ito? Good thing maraming hindi naniniwala dahil sa comment section ay maraming nagsabing FAKE NEWS ito.
Klinaro na rin ito ng Metro Manila Film Festival spokesperson na si Noel Ferrer na walang katotohanan ang inilabas ng blog na ito.
“Not true at all!” sey niya.
Paliwanag niya, “It has been the MMFF Execom’s practice not to release any unofficial gross sales of individual films and ranking so as not to create a bandwagon effect.”
Hayaan ding i-enjoy ng mga manonood ang mga pelikulang gusto nilang papanoorin.
Samantala, sa ikalawang araw ng MMFF, Disyembre 26 na base naman din sa pag-iikot ng bawat team ng sampung pelikula sa mga sinehan ay saksi sila kung anu-ano ang mga pelikulang malakas at nag-sold out na hanggang last full show.
At bilang tumutulong sa pelikulang “Mallari” ni Piolo Pascual na produced ng Mentorque Productions ay totoong nasa ikalawang puwesto ito sa unang araw ng pagpapalabas nito, Disyembre 25.
Nangunguna nga ang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera; ikatlo ang “Penduko” ni Matteo Giudicelli; pag-apat ang “Family of Two” nina Alden Richard at Sharon Cuneta; panglima ang “Kampon” with Derek Ramsay, Beauty Gonzales at Erin Espiritu; pang-anim ang “Becky at Badette” nina Pokwang at Eugene Domingo; pantay ang “When I Met You in Tokyo” nina Boyet de Leon at Ms Vilma Santos-Recto; pang pito ng “Firefly” nina Assunta de Rossi at Euwen Mikaela Aleta; pang walo ang “Gomburza” nina Cedric Juan, Enchong Dee at Dante Rivero at pang huli ang “Broken Heart’s Trip” ni Christian Bables, Teejay Marquez at Andoy Ranay.
Isusulat ulit namin bukas kung may pagbabago sa ranking ng mga nasabing pelikula sa ikalawang araw ng MMFF, Disyembre 26.