Dennis Padilla ‘di susukuan ang mga anak kahit dinidedma siya

Dennis Padilla 'di susukuan ang mga anak kahit dinidedma

PATULOY na ipinararamdam ng actor-comedian na si Dennis Padilla ang kanyang pagmamahal sa mga anak na sina Julia, Leon, Claudia at Dani kahit na hindi siya pinapansin ng mga ito.

Ngayong araw, nag-post ang komedyante sa kanyang Instagram account kung saan ipinapabot niya ang pagbati sa mga anak at maging sa stepdaughter na si Dani.

“Merry Christmas mga anak… Love you… God bless you more [praying hand, Christmas tree and heart emoji],” sey ni Dennis sa caption.

Kalakip ng kanyang post ang larawan kung saan may hawak hawak itong papel ng kanyang handwritten message.

Marami sa mga netizens ang nag-check sa comment section ni Dennis upang malaman kung bumati ba ang kanyang mga anak ngunit ni isa ay walang pumansin sa greeting niya.

Baka Bet Mo: Dennis Padilla wala raw ambag sa pag-aaral ni Leon, sey ng netizen: ‘Si Julia ang nagsusustento sa kapatid niya’

Maski like sa post ay tila walang natanggap ang komedyante.

Wala namang sinabi si Dennis kung nag-reach out ba sa kanya thru chat or PM.

Hiling ng mga netizens na sana ay kahit papaano ay mapansin na nina Julia ang kanilang ama.

Marami rin ang nakisimpatya sa aktor dahil nga sa patuloy na pandededma ng mga anak ni Dennis sa kanya.

“Merry Christmas! I believe in karma. Your kids will regret doing that when one day they will have their own kids and their kids will snob them too. Then they will see how it feels like. God sees. ‘Honor your father and mother.’ Is the only commandment with a promise,” saad ng isang netizen.

“Whatever happens between you and your children’s. We don’t know for sure. But it breaks my heart, na ganito kayo mag aama na ganyan kayo. I lost my dad when I was 26 it’s been 13 years that he is gone and I still missed him and wishing he could still be with us now. Merry Christmas po!” sabi naman ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Merry christmas po. sana maappreciate po kayo ng mga kids whie you are still alive.. Mahirap magkaroon ng regrets ang bigat sa feeling na hindi mo na masasabi ang mga gusto mong sabhin kapag wala na ang parents.”

Read more...