PINALAGAN na ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang mga isyung ibinabato ng madlang pipol sa kanya.
Sa pamamagitan ng pagla-live sa social media, isa-isang sinagot ng aktres ang mga ipinupukol sa kanya kaugnay ng kanyang kaibogan at ka-love team na si Seth Fedelin at dating “Kadenang Ginto” co-star na si Andrea Brillantes.
Sey ni Francine, ito na ang huling beses na magsasalita siya hinggil sa isyung tila hindi mamatay-matay at pilit na binubuhay ng marami.
Kamakailan ay kumalat sa mga balita na aware si Seth ukol sa namagitan sa kanyang ex-dyowang si Andrea at sa ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.
Ito nga ang dahilan kaya maraming netizens ang muling binalikan ang hindi pagkakaunawaan sa nina Andrea, Seth, at Francine.
“Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw?” saad ng aktres.
Baka Bet Mo: Francine Diaz tatapusin ang senior high sa 2024: ‘Gusto ko pong maka-graduate’
Pagpapatuloy pa ni Francine, “Screen record n’yo, puwede n’yong balikan. Playback n’yo. Kasi wala talaga akong inagaw.”
Sinamahan pa nga ni Seth ang dalaga sa kanyang pagla-live upang patotohanan ang mga pahayag nito.
Chika pa niya, kung nagkaroon ng problema sa pagitan nina Blythe at Seth noon, sa pagitan na nila yun at labas na si Chin doon.
Sey pa ni Francine, kaya raw nagpunta noon ang Kapamilya actor sa kanilang bahay para humingi ng tawad.
“Alam nila ni Blythe actually, wala akong kasalanan. Pumunta sila sa bahay para humingi ng sorry, but, si Blythe ay hindi sumama.
“She was invited pero hindi siya sumama. Kaya nagulat ako, kasi, bakit ako ‘yong masama?” giit pa ni Francine.
Hiling rin niya na sana’y huminto na ang madlang netizens sa panghe-hate sa kanya dahil wala raw siyang inaagaw.
Matatandaang noong 2022 nang lumabas ang chikang sinugod ni Andrea si Francine sa dressing room noong ABS-CBN Christmas Special.