HUMIHINGI ng tulong ang aktres na si Coleen Garcia upang matunton ang “murderer” o pumatay sa kapatid ng kanyang stepmom na si Canice.
Ibinandera pa nga ni Coleen ang malinaw na litrato ng suspek na ayon sa kanya ay dating karpintero ng kanyang ama.
“Please SHARE, and please notify the authorities if you happen to see this man! His name is ART TONDO Y VILLACASTIN,” caption niya sa Facebook.
Kwento ng aktres, “Two nights ago, he made his way into my dad’s house and stabbed my stepmom’s sister, Canice, to death. She was found to have over 15 stab wounds.”
Ayon kay Coleen, tinanggal sa trabaho ang suspek dahil nalaman ng kanyang ama na gumagamit ito ng ilegal na droga.
“He has a record of drug abuse, and is suspected to have been under the influence that night,” ani pa niya.
Nabanggit din ni Coleen na ang dating live-in partner ng suspek ay nagtatrabaho sa kanila bilang nanny ng kanyang kapatid at stepbrother, at tila gusto raw makipagbalikan sa kanya.
“She left him and blocked him because apparently he’d been constantly threatening her, even saying he plans to kill her seven children. He never threatened my family prior to what happened,” chika ng aktres.
Wika pa niya, “It’s difficult to find the words, but this man needs to be caught because he still remains to be a threat.”
Dahil sa nangyari, may panawagan si Coleen: “We didn’t want to post about it, but this dangerous man is still out there and we need help finding him. [folded hands emoji] The authorities have been on it since it happened, but we need all the help we can get.”
Baka Bet Mo: Pumatay sa aso ni DJ Mo naaresto na…hustisya para kay Bamboo: He was beaten and left for dead in the desert
Maraming netizens naman ang nag-alala sa post ni Coleen at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Dapat sa mas safe na lugar kayo tumira nina Amari at Billy baka madamay pa kayo, at baka may kinikimkim na galit din ‘yan sa tatay mo kasi tinanggal sa trabaho.”
“Napagkamalan siguro ‘yung sister [sad face emoji] drugs never do good and is root of evil.”
“My sincere condolences… did you already file a complaint before the prosecutor’s office, so a case may be lodged before the court and a warrant of arrest be issued.”
“May karmang darating sayo murderer! [angry face emoji] Yes! Mahuhuli ka din!”
“Condolence sa family ng stepmom mo at sana mahuli na yung suspek.”